[NICHOLAS]
“Nicholas,”
Nag-angat siya ng tingin sa humawak sa balikat niya. Si Nana Hilda na humihikab-hikab pa. Kakagising ‘ata.
“Anong ginagawa mo rito sa labas, Anak? Malalim na ang gabi akala ko'y mahimbing na ang iyong tulog.”
“Namamahay yata ako, Nana.” pagdadahilan ni Nicholas.
“Hmm,” Hindi ‘ata bumenta sa kaniya ang dahilan niya dahil naupo rin siya sa tabi niya. “May dinaramdam ka ba, Anak?”
“Wala, Nana. Siya nga pala, pagpasensiyahan niyo na si Leila. Sumpungin din minsan kaya gano’n ang inasta sa harapan ninyo kanina.” Pag-iiba niya ng usapan.
“Ipagpaumanhin mo rin ang aking sasabihin sa iyo, Nicholas, pero sa tingin ko kasi ay sadyang hindi naman sumpungin ang iyong nobya kundi sadya lamang maldita, Anak, at kung ako man ang iyong tunay na ina, Sasabihin ko sa ‘yong mas gusto ko pa rin si Shenyang para sa iyo. Lamang ay hindi mo naman ako ina at hindi ko rin maaring saklawan anuman ang iyong desisyon.”
Natatawang inakbayan ni Nicholas ang matandang babae, “Nana, Ina na ang naging turing ko sa inyo. I love you, at alam niyo naman na palagi kong kinukonsidera ang mga advises niyo sa ‘kin ‘di ba?”
“Oo nga pero hanggang ngayon naman ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit biglaan kang umalis noon.” May pagtatampong reklamo ni Nana Hilda.
Bumuntong-hininga ang binata at nag-iwas ng tingin. “Nana, sabi ko naman sa inyo may kinailangan akong asikasuhin sa Maynila kaya umalis ako.”
Nagpatangu-tango nalang ang matanda. “Si Leila. Sigurado ka na ba sa kaniya, Anak?”
Natawa na naman si Nicholas sa hindi malamang dahilan. “Hindi ko alam kung bakit lahat ng malapit sa ‘kin ay ‘yan ang madalas itanong sa ‘kin, Nana. But as for your question, Yes. Sigurado na ako sa kaniya at plano ko na rin siyang pakasalan.” Diretsahan niyang sabi.
Humugot ng malalim na paghinga si Nana Hilda bago nagsalita, “Mabuti naman kung ganoon. Iintindihin ko nalang ang pagiging masungit ni Leila basta’t para sa ‘yo, Anak.”
He grinned sheepishly, “'Yon naman pala, Nana, e!”
Marahang natawa si Nana, “Tanggap ko na rin kasing hindi na kayo ni Shenyang ang magkakatuluyan dahil may anak na siya— Ayos ka lang, Nicholas?!” nag-aalalang tanong ni Nana Hilda sa kaniya nang bigla siyang maubo. “Sandali at ikukuha kita ng tubig sa loob — ”
“Huwag na, Nana,” Pigil niya sa matanda habang kinakalma ang paghinga. “Hrmp,” He cleared his throat, “Anong sabi mo, Nana? Si Zinnia may ..may a-anak na?” Tanong niyang bahagya pa niyang ikinautal.
A sudden pang of pain hit his chest. Pasimple niyang kinapa ang dibdib at saka hinimas para pawiin ang kirot na ‘yon pero nanatili itong naroon kaya hinayaan nalang niya ito.
“Sa inyong mga kabataan ngayon, Hindi na mahirap para sa inyo ang alamin ang buhay ng isang tao, Nicholas. Hindi ba’t may tinatawag nga kayong social media? Paanong hindi mo nalaman ang tungkol sa pagdadalantao noon ni Shenyang?”
Paano niya sasabihin sa matanda na sinadya niyang ‘wag sumagap ng balita tungkol kay Zinnia? Na sinadya niyang putulin ang komunikasyon nila kahit sa social media?
“Kailan pa siya nanganak, Nana?”
“Tatlong buwan na ngayon iyong bata, Anak. Napakagandang bata.”
Nanlaki ang mga mata ni Nicholas. No. That's impossible! He can’t be the — No, no, no. Imposible ‘yon.
“S-Sinong ama ng bata, Nana? I mean, sinong napangasawa ni Zinnia?”
BINABASA MO ANG
Forbidden Romance ✔️
Fiction générale■Must read "Marrying The Arrogant Bastard" first.■ NICHOLAS FUENTES. A 26 years old powerful, handsome Filipino Billionaire who got everything in life. Wealth, Power, and most especially, the looks that made women chased him. He will have all that h...