CHAPTER 10

2.3K 77 4
                                    

[ZINNIA]

NAPAHAWAK sa kaniyang labi ang dalaga. Limang araw na ang matuling lumipas mula nang araw na halikan siya sa labi ni Nicholas. It was a gentle kiss pero ramdam niyang nagpipigil lang ang binata at kung hindi man nagpigil ay tiyak niya sa kaniyang sarili na magpapaubaya siya kahit saan man sila dalhin ni Nicholas ng mapanabik na halik na ‘yon.

Pero hindi siya makapaniwala sa mabilis na pagtugon ng kaniyang katawan sa tagpong ‘yon. Hindi pa siya naging ganoon ka-intimate sa isang lalaki not even with his Ex-boyfriend, Jaymark. Oh, god!

“Anak?” napalingon ang dalaga sa pintuan nang kanilang bahay nang marinig ang boses ng kaniyang ina. “Malalim na ang gabi, Bakit gising ka pa at nandito sa labas?” Tanong nito na hihikab-hikab pa.

“Hindi ako makatulog, ‘ma.” Tugon niya saka dinampot ang kapeng sa kaniyang pag-iisip ay lumamig na. “Kayo, Bakit gising pa po kayo?”

“Nauuhaw ako.” naupo ito sa tabi ng anak. “Kukuha na nga sana ako ng tubig pero nagulat ako nang makita kong bukas ang pinto. Akala ko'y may iba ng pumasok.”

“Hindi ko na rin po kasi namalayan ang oras, ‘ma. Nalibang ako sa pagtitig sa mga bituin sa kalangitan at ang sarap damhin ng hangin sa ganitong oras.”

“Umiibig ka na ba uli, Anak?”

Nalilitong bumaling ang dalaga sa kaniyang ina. “Bakit niyo naman naitanong ‘yan, Mama?”

“Sa mga nakaraang araw ay napapansin namin ng Papa mo ang kakaibang kislap diyan sa mga mata mo at alam ko din na palagi kang nandito sa labas sa mga ganitong oras na para bang may iniisip kang hindi mo mabigyang-linaw.” Deretsahang wika ng kaniyang Mama Digna. “At para sa kaalaman mo’y tila alam ko na kung ano ang iniisip mo, Zinnia.”

“Mama ..”

“Sino ang masuwerteng lalaking napag-ukulan mo ngayon ng iyong atensyon at pag-ibig, Anak?” nangingislap din ang mga mata ni Digna.

“Nalilito ako, ‘ma. Hindi ko naman siya kilala ng husto. Hindi ko rin alam kung anong totoong nararamdaman ko para sa kaniya.” She said as a matter of fact. “Posible bang mangyari ‘yung gano’n, Mama, ‘yung hindi mo naman lubusang kilala ‘yung tao pero mahuhulog ka pa rin sa kaniya?”

“Hindi ko rin naman lubusang kilala ang Papa mo nu’ng mahalin ko siya, Anak.” nangingiting tugon ng kaniyang ina na parang sinasariwa ang kaniyang kabataan. “Isa lang naman akong tindera noon sa palengke sa probinsiya namin at ang Papa mo naman ay isang Tricycle driver pero ..” Bumuntong hininga siya at hindi na nagpatuloy pa.

“Pero ano, Mama?”

“Wala, anak. Ibalik na natin ang usapan sa iyo.” pag-iwas ni Digna sa usapang siya ang nagsimula. “Kung alam mo diyan sa puso mo na hindi naman masamang tao ang lalaking iyon, Sige lang, Anak. Ipagpatuloy mo lang dahil ika nga nila'y hindi naman sukatan ng tunay na pag-ibig ang tagal ng pagkakakilala niyo O sa kung gaano niyo kakilala ang isa't-isa dahil sadya namang dumarating ang pag-ibig sa hindi mo inaasahang pagkakataon.” Payo ni Digna.

“Kahit na hindi natin siya kapantay? I mean, Wala po tayo sa sirkulo ng mundo niya dahil higit na mayaman siya kung ikukumpara sa atin, Mama, at natatakot akong masaktan dahil hindi ko kayang pantayan ang buhay mayroon siya at nag-aalala din akong baka pagdating ng panahon na tuluyan na akong nahulog sa kaniya’y hindi naman pala ako magugustuhan ng mga magulang niya.”

“Si Nicholas ba ang pinag-uusapan natin?”

Nagpalunuk-lunok ang dalaga sa pagiging prangka ng kaniyang ina sa pagtatanong. “H-Hindi po ..”

“Wala naman akong nakikitang masama kung kay Nicholas ka umibig, Shenyang. Palagay ko'y mamahalin ka din naman niya kung sakali.” seryosong saad ng ina. “Dalhin mo siya dito sa bahay para pormal mong maipakilala sa amin at kami din sa kaniya. Nasisiguro kong hindi niya alam na kami ni Celso ang mga magulang mo, Anak.”

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon