Lean's Pov
"Dito sa xxxx street, nangyari ang isang malaking kaguluhan. Sinugod ito ng mga terorista at halos 87% ng tao dito sa barangay ay pinatay. Kasalukuyang ginagamot at nililigtas ang mga natirang buhay" Nagulat ako sa napakingan ko, madalas nadin nababalita gabi gabi ang mga terorista na nagbabanta pero ngayon, kumilos na sila. Halatang wala ng tao sa lugar at madaming bangkay ang natagpuan. Sa totoo lang naawa ako, marami ding mga bata na nawalan ng magulang at maraming magulang ang nawalan ng anak.
"Ngayon ay titingnan natin kung ano ang lagay ng mga tao at kawawang bata na nakaligtas, kamusta sila jan Jeff?"
Nalipat sa isang broadcaster na may kasamang bata "Maraming salamat Dave. Andito tayo ngayon sa xxxx street kung saan naganap ang pangyayari, kausapin natin ang isang bata na nawalang ng buong pamilya, mahirap siguro sayo to, ano ang nararamdaman mo ngayon?" Bumungad sakin ang isang madungis at puro sugat na lalaki, He has a grayish hair and red eyes kita sa muka niya ang hirap at sakit na naranasan niya. Umiwas siya ng tingin at tumingin sa baba, nakita ko na unti unting nawawalan ng mga buhay ang mga mata niya, unti unti niyang binuksan ang bibig niya "Wala na sila, anong gagawin ko? Hindi na naman mababalik ang lahat" Pakiramdam ko, unti unti na syang sumusuko at parang unti unti na din siyang namamatay....
"Huy Lean! Nakikinig ka ba?? Nakakainis ka naman eh, palagi ka na lang nakatulala" Natigil ang iniisip ko dahil kay Yanna, siya ang bestfriend ko na palagi na lang akong dinadaldal "Ah sorry, m-may naalala lang ako" sabi ko habang nakatingin sa nakasimangot kong kaibigan "Ano na naman yun? Dami mong iniisip noh??" Lumilipas ang oras pag siya ang nagsasalita. Dumating na ang teacher namin at nagsiupan na kaming lahat "Class! Please settle down, meron akong ipapakilala sa inyo na bagong transfer" Tumingin si maam sa lalake na nasa pinto "Please come in and introduce yourself" pumasok ang isang matangkad at maputi na studyante, malakas din ang charisma pero wala siyang expression na nasa mukha niya "Stefen Crus, im 17 years old" Pagkatapos nang pagpapakilala niya umupo na agad siya sa bakanteng upuan sa likod ko. Lumingon ako sa kanya, tiningnan ko siya at ang mga mata niya, feeling ko nakita ko na to, feeling ko kilala ko na siya. Nahuli niya naman akong tumitingin sa kanya kaya lumingon ako ng mabilis sa harapan.
Break time nadin namin at mukang maraming gustong makipagkaibigan sa kanya, maraming kumakausap sa kanyang mga babae at kinakausap niya ito ng may halong niti.
Hinila ako ni Yanna papunta sa transferee "Uy Steven right? Sama ka samin?" Nagulat ako, bat naman nakikipagusap si Yanna sa lalake nato? Sabagay may itsura tsaka malakas ang karisma "Uhh Stefan actually, hmm pero sige pwede naman akong sumama" Ano bayan Yanna magtatanong ka na nga lang mali pa pagtawag mo sa pangalan ng kakausapin mo.
Nakaupo kami sa isang table nang cafeteria habang si Yanna dinadaldal yung transferee "Uh actually, hindi ko memorize yung buong school pwede mo ba akong ilibot?" Tanong ni Stefan kay Yanna "Ahh, gusto ko man kaya nga lang may gagawin ako mamayang uwian eh so sorry talagaa" ano namang gagawin ng babaeng ito? "Ah si Lean na lang kaya?? Wala ka namang gagawin Lean mamayang uwian dibs?" Lanya dinamay mo pa ako.
Tumunog na ang bell ng school, so uwian na namin. Pumunta si Stefan sa harap ko at tumingin sakin "Tara na? Sabi mo ikaw maglilibot sakin diba?" Ah sh*t nakalimutan ko yung tungkol sa kanya "Ah oo, wait ayusin ko lang tong gamit ko"
"Shocks, ang laki pala ng school na toh" Sabi niya habang nilalakad ko sya sa isa sa mga corridors ng school "Ilang taon ka na ba dito?" tanong niya habang nakatingin sakin "Matagal na din, siguro mga elementary pa" sabi ko habang umiiwas nang tingin "Kaya pala alam na alam mo kung saan pupunta Haha!" Binigyan niya ako ng isang ngiti, eto na naman yung mga ngiti nya na parang hindi tama, na parang hindi sa kanya.
We ended up staying in the school garden, "Bat ka lumipat ng school?" tanong ko para putulin ang katahimikan na nasamin "Hmm sabihin nating merong mga bagay ng dapat kalimutan at magpanibagong simula ulit" Ewan ko kung bakit pero may naalala ako habang tumitingin sa mga mata niya" Wow lalim nun ah"
...
"Uy, sabihin mo nga... Bat hindi totoo ang mga ngiti mo?" Hindi ko alam pero baka nadimunyu yung bibig ko so ayun nagsalita, dapat hindi ko sinabi yun pero bakit? Tumingin siya sakin pero ngayon hindi na siya ngumingiti "Ah, you saw right through me, sorry ah sorry kung mukang pilit" Kahit isang beses lang, tumingin ulit ako sa mga mata niya...
Ah.. Oo kilala nga kita, ikaw yung taong matagal ko ng gustong makita....
"Yung totoo, kamusta ka? Pagkatapos ng lahat nang nangyari?" Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero wala na akong pake basta gusto ko talaga siyang makausap."Heh, im broken..Pero pano mo alam yun?" Sabi na nga ba, hindi parin siya nakakamove-on "alam ko na yan simula pa nung una" Tumayo ako at humarap sa kanya "Gulat ka noh? Tara na uwi na tayo" ngayon ako naman ang nagbigay sa kanya ng ngiti, isang tunay na ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero wala pang tao ang nginitian ko maliban kay Yanna at dito sa lalakeng to, Bakit nga ba? Hindi ko alam.
Nagbalik siya ng isang ngiti, pero nagyon may buhay na ang mga mata niya. Sa wakas nakita na din kita Stefan.
YOU ARE READING
Im Inlove With A Psychopath
RomantizmI dont want to be crazy, pero wala din naman akong sinabi na hindi ko sya gustong makasama, alam kong delikado, medyo bobo... pero kahit saan man siya pumunta gusto kong nandun ako, kahit ano mang gawin niya gusto ko kasama ako. Bakit? hindi ko alam...