Sana
"Sis ok kalang aga mo natulog pero bakit zombie ka maglakad ngayon?" sinamaan ko lang ng tingin si kuya Minhee "Pake mo ba?" irap kong sabi at umupo sa harap ni mama na kumakain ng agahan
"Sus mamaya gaganahan din yan si Sana kapag nakita na niya crush niya yieee" asar ni mama "Pati ba naman ikaw ma?" tumawa lang si mama at kumain
Itong pamilya ko suskopo mapang asar.
Napagdesisyunan ko na pumasok na kahit maaga pa, si kuya naman mamaya pa yon pag may klase na baliw eh habang ako masipag cheret! May gusto kasi akong makita ngayong umaga eh...panigurado nandoon na siya dahil sa pagkaka-alam ko maaga yun pumasok.
"bududonbududondon tenew yEaHh" napatingin ako sa tabi ko at nakita si kuya
"bat nandito ka!?" tinignan niya ako "hindi ba pwedeng katulad mo din ako? Masipag" ngiti niya "Imposible! Tamad ka kaya" ngumisi ako at sumimangot naman siya
"may gusto lang din akong makita tulad mo noh" tinaasan ko siya ng kilay "talaga lang ha? Sino yan ah" hindi siya sumagot "huy!" tulala ang potek kaya winave ko ang kamay ko sa harap niya kaya tinignan niya ako ng seryoso "ayun oh, kasama ng taong mahal mo" napalaki ang mata ko
Tumingin ako sa labas ng gate ng school...
Si Wooseok at si
Somi, girlfriend niya
Nilingon ko si kuya "No way, don't tell me si Somi ang-" hindi pa ako tapos ng nakita kong tumango siya, nalungkot at nawala ang saya sa mata ni kuya na kanina lamang ay kitang kita ko pa
"Alam mo, tanga tayo" pinagmasdan ko ang dalawang tao na magkahawak ang kamay, masaya at nag uusap habang kami ni kuya nakitingin lang sa kanila at nagdadrama
"Kasi nagmahal tayo sa taong alam natin na may ibang minamahal" tumango lang ako sa sinasabi ni kuya at pinipigilan ang luha
"Hindi na ata pana ang gamit ni Kupido, baril na. Sa iba nakatadhana pero tayo ang tinamaan" hindi ko napigilan ang luha ko na pumatak kaya pinunasan ko ito, bakit ba kasi pumapasok pa ako ng maaga kung lagi lang naman ito ang nakikita ko, tsk.
"Alam mo kuya" sabi ko at maikling tumawa "magkapatid nga tayo, kasi kahit na anong talino natin sa klase ganun naman tayo katanga kapag umibig"
"Pero alam ko sino mas tanga satin?" kumunot ang noo ko "Ikaw" napatingin ako sa kaniya "Bakit naman ako?" suminghot ako kasi tutulo na sipon ko eh
"Kasi alam mo naman na araw araw silang magkasama pero pumapasok ka parin ng maaga kahit alam mo na ganto lang makikita mo" may point siya "Ewan ko ba! Utos ni puso eh" napa tikim ako at naglakad papunta sa classroom ko pero may sinabi si kuya bago ako makapasok
"Si puso nga ba ang nag utos? O si utak?" sabay non ay umalis na siya
"Sino nga ba" buntong hininga ko
Sana kasi hindi nalang ako nahulog sayo eh.
★
BINABASA MO ANG
Sana | Kim Wooseok
Short Story[COMPLETED] ❝Sana lahat ng 'sana' ko matupad❞ » Kang Sana In which Kang Sana have so many wishes(sana) that doesn't even come true but she still hope that it will soon.