69

99 2 0
                                    

3rd Person

Umaga ng magising ang dalawa mula sa pagkakatulog na magkayakap pa. Hindi na sila nahiya pa sa isa't isa na tila para bang nasanay na agad. But something is not right between them para bang bigla nalang nawala yung ngiti nila na bago sila matulog kagabi ay masisilayan pa. Today is the day eh, uuwi na sila. Feeling tuloy ni Sana na parang kahapon lang sila dumating sa  lugar na iyon at ngayon ay uuwi na sila. At isa pa ay nababahala siya dahil sigurado na talagang aalis siya dahil nangako siya sa kaniyang Dad na sasama na siya dito matapos ang ilang taon. "Bakit ko pa kasi naisipan na sumama at umalis?" sabi sa isipan ni Sana. Napailing nalang siya at tumingin kay Wooseok na tahimik na kumakain. Pinagiisipan kug sasabihin niya ba yung pag-alis niya. Pero dahil tanga ito at hindi iniisip ang mararamdaman ni Wooseok sa oras na malamang niya rin ito.

"So paano pala tayo uuwi? Wala naman tayong sasakyan eh" sabi ni Wooseok at binaba ang kutsara na gamit sapagkat tapos na itong kumain. Hindi sumagot si Sana kahit alam niya na may kotse sa labas. Nag text kagabi ang kaibigan na si Lei sinabing gagamitin nila ang iniwan na kotse ni Seungyoun sa labas ng bahay. Naghugas na ng pinggan si Sana at naligo matapos ni Wooseok. Paglabas nito ay Nakita niyang nakaupo si Wooseok sa sofa.

"Alam mo ba na sila Seungyoun ang nagdala satin dito?" kalmadong sabi nito pero may bakas na inis. "Anong sinasabi mo" nag kunwaring walang alam ang babae at umupo ito malayo ng kaunti sa lalaki. Nalungkot ng labis si Sana, hindi niya alam kung saan galing ang sulat na iyon pero nakita niya para sa kaniya dapat iyon.

Tinignan siya ni Wooseok at hindi niya maintindihan kung ano ang nais na ipahiwatig nito sa kaniya. Napabuntong hininga alang ito "Sorry" simula na sabi ng babae dahil hindi niya alam kung galit ba ang lalaking nasa harap niya o hindi. "Hindi ko rin alam nung una pero nalaman ko lang nung muntikan akong makatakas nang kunin nila ako. Hindi ko alam na may plano silang ganito. Sorry kung hindi ko sinabi. Sorry kasi nagsinungaling ako" pagpapaliwanag at paghihingi ng tawad ni Sana. Niyakap siya ni Wooseok na ikinagulat nito. "Huwag kang mag-alala hindi ako galit at wala akong sama ng loob sayo, nainis lang ako na bakit hindi nalang nila sinabi na may ganito silang plano" bumitaw ito sa pagkakayakap at tumingin sa nakakunot na mukha ni Sana. Pinisil niya ang ilong nito at tumawa "Papayag naman ako eh" 

Lumabas na sila ng bahay at pumunta sa kotse na nasa labas. Hindi maintindihan ni Sana ang pakiramdam nito, masaya siya na hindi galit si Wooseok pero nag-aalala siya na baka sa pag-alis niya saka ito magalit. Ang gusto niya lang ay maging masaya siya bago umalis. 

May direksyon naman na binigay sa kanila para makauwi ang dalawa at inuna ni Wooseok na iuwi si Sana. "Oh hindi ka pa bababa?" tanong ni Wooseok sa tulalang katabi niya "Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" umiling si Sana at hinarap si Wooseok.

"Wooseok, for the nth time sasabihin kong ang saya-saya ko kasi kasama kita. Gustong gusto kitang makasama kaya masaya ako na katabi kita ngayon. Hindi ko inaasahan na mamahalin mo rin akong pabalik kahit ilang taon akong nagtiis na mapansin mo. Thankful ako sa mga kaibigan nating siraulo at tarantado kasi may ganito silang plano kasi ang saya ko talaga. Ayokong iwan ka kasi I feel incomplete without you eh. Ayokong saktan ka kasi gusto ko masaya ka lagi. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag naghiwalay tay-" hindi pa tapos mag salita ang dalaga ngunit pinuto ito ng binate. "Then don't leave, kasi hindi kita iiwan. Nandito lang ako lagi para saiyo. At ayokong maiwan ulit gaya ng nangyari sa amin ni Somi. Hindi kita sasaktan dahil alam kong maraming bes na kitang nasaktan kahit na hindi ko alam. At kahit kailan alam kong hinding hinding sasagi sa isip kong iwan ka because you deserve to be happy and not hurt.  So promise me you won't leave or you won't think about leaving me"

~~~

Only yours by Lyn

It would be better if you guys would understand the lyrics. It kinda matches this chapter and I'm recently liking the song, thanks to Wooseok hahaha.

Sana | Kim WooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon