48

103 3 1
                                    

Sana

"I can't sleep" (literally guys I can't my maderr er er is watching Killer Bride beside me lmao)

Kanta ko ng Insomia ng stray kids habang naglalakad katabi si Wooseok

Sa post ko kanina actually trip ko lang yun, mukha kasi siyang inosente eh hahaha

"bakit hindi ka makatulog?" Tanong niya "loko ka ba? nakanta lang ako ang totoo niyan kulang ako sa tulog" sabi ko "ahh kala ko hindi ka makatulog kasi iniisip mo ako" pwede rin wahahaha

"eh paano yan maaga pa bukas, may pasok na kukulangin ka nanaman sa tulog" sabi niya "sa lunch nalang ako matutulog" sabi ko, hayst

"Edi hindi ka naman naka kain?" oo nga noh hay nakooo "Bahala na si batman!" sigaw ko kaya napatingin yung magjowa na nakasabay namin sa paglalakad

"Oh anong tinitingin tingin niyo? Hindi por que mag jowa kayo–" amba ko pero inawat ako ni Wooseok at nag sorry sa kanila at nauna na yung magjowa

"Nakakahiya ka kamo" tawa niya "Oh eh ano naman ngayon? Makatingin kasi kala mo kung sino eh"

"Ano bang pinaglalaban mo? Para kang lasing" tawa niya, I love that smile that he always show, and that laugh. Its now stuck in my head...

"Oh bakit natigil ka" sabi niya ng tumigil ako sa paglalakad "Huwag ka ngang tumawa ang pangit mo tumawa" lusot ko kasi naman eh! "Bakit? May maganda bang tawa?" umirap lang ako kasi tumawa siya ulit

Tsk! Gusto ko na umuwi!

"Huy! Saan ka uuwi?" sigaw niya, huh? lumingon ako kung nasan siya

Tinuro niya yung bahay namin, hala lagpas na pala ako

"Hala! bat hindi mo naman sinabi?" sabi ko "tinawag kita tatlong bes noh, ano bang iniisip mo ha? o sadyang lutang ka na" umirap ako, yung tawa mo yung nasa isip ko

"Goodnight" tumango lang ako saka isasara na sana ang gate kaso pinigilan niya ako kaya nagulat ako ng lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Putangina!?

"Sleep well" ngumiti siya saka tuluyan ng umalis

Putangina, potangina, fotangina, posanggala, shetangina!!!

parang duon lang hindi na ako mapakali, pano pa kaya kung...teka hindi, hindi kami aabot sa ganun! ano bang iniisip ko?!

putek paano ako lalo makakatulog nito!?

Wooseok

Ayoko pa talagang umuwi dahil, ewan ko...gusto ko pa kasi siyang makasama- ah! ano baaa may gf ka Wooseok! Okay?

"Huy! Saan ka uuwi?" tawag ko sa kaniya na ngayon ay lagpas na, natawa ako. Tapos sinisi pa ako seryoso?

Bago niya isara yung gate ay pinigilan ko iyon at lumapit sa kaniya, gusto ko siyang yakapin pero naisip ko na baka mabigla siya, instead I kissed her on the forehead.

Medyo na shock siya? pero ngumiti lang ako, bakit ko ba kasi ginagawa to? Anong nangyayari sakin?

Pumasok na ako sa math subject namin na last subject, nakita ko si Sana na humihikab...inaantok parin ata

"Wala si Mia?" tanong ko sa kaniya "Wala eh ewan ko bakit, wala tuloy akong katabi para kadaldalan pang iwas antok"

Umupo ako sa tabi niya "ako nalang" sabi ko "huh? edi hindi ka nakapakinig sa lesson? Oh andiyan na si ma'am duon ka na sa upuan mo!" hindi ako umalis at tumayo lang dahil mag-ggreet kami

Habang nakikinig ay hindi naman ako dinaldalan ni Sana dahil nga makinig daw ako, sinulyapan ko siya at humikab nanaman siya at kita sa mata niya ang antok

hiniga niya ang ulo niya sa mesa, paktay mukhang plano na nito matulog ah. Kinuha ko ang libro ilalim ng desk at binuklat ito, nasa medyo dulo kami at nasa tabi ng bintana kaya hindi masyado kita si Sana kung bubuksan ko ang libro dahil sa laki nito.

Natapos ang klase at tulog parin si Sana kaya binaba ko na ang libro, tinignan ko siya at tulog na tulog

Hinawi ko ang buhok niya. Bakit...ang ganda niya?

maya maya ay nagising na siya kaya ngumiti ako

"hala nakatulog ako?" tumango ako "ansabe ni ma'am?" tumawa ako "wala tinakpan kita kaya hindi ka kita"

"Ay waw thanks hehe"

sabi ko sabay na kami umuwi, so we did.

Sana | Kim WooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon