Wooseok
"Ano nag away nanaman kayo ng girlfriend mong mal- maganda" sinamaan ko ng tingin si Minkyu dahil lagi niyang tinatawag si Somi na maldita o kaya naman malandi.
"Alam mo pre hiwalayan mo na yan" singit ni Dohyon, what the? "I can't do that" sagot ko. Mahal ko si Somi at hindi dahil lagi kaming nag aaway dapat na maghiwalay na kami duon mas nakikita na matatag at tunay kaming nagmamahalan noh
"Kasi pre sayang yung ibang babae diyan oh, ang dami kayang patay na patay sayo" loko ni Seungyoun hyung
"Pero sa iba ako patay na patay" napasimangot naman siya sa sinabi ko "Bakit ba kasi ayaw niyo kay Somi? Mabait, maganda, matalino at magalang naman siya ah"
"Ewan sayo, masyado kang nagpapabulag diyan sa kaniya" napailing lang si Yohan at kinain ang sandwich niyang hawak hindi raw kasi siya nakapag agahan eh
Hindi ko talaga sila maintindihan...
Ha?
(Author: Hatdog, Halaman! D ko talaga kayo ship ni Somi hahaha)
Sana
"Bwiset talaga si Marine! Sabay sabay pang nalalaman tapos hindi rin pala sasabay sa akin bwiset" inis na sabi ko dahil si Marine hindi pa gising pagdating ko sa bahay nila sabi ng mama niya mamaya pa daw makakabangon si Marine kahit na gisingin ngayon kainis!
"Eh kasi hindi naman morning person yun naniniwala ka duon na gigising siya ng maaga" may point din naman si Lei, lagi nalang. "Edi waw! edi ako na mabilis maniwala!" tss
"Si labidabs mo oh" turo ni Lei sa labas ng room at nakita kong naglalakad siya kasama ang iba niyang kaibigan "Ay himala hindi niya kasama si girlie" ah so ganon? kapag nag away hindi sabay papasok? Nuks sana everyday.
"Nag away sila" sabi ko "Paano mo naman na know aber?" ngumisi ako "Siyempre! Ako pa ba?" pinanliitan ako ng mata ni Lei "Inistalk mo nanaman si Wooseok noh!" Ay grabe nakita ko lang tas stalk na
"Gaga hindi noh, nakita ko sila kahapon pauwi na nag aaway kasi pinapakialaman daw ni Somi facebook account ni Wooseok" sabi ko "Ah so kaya hindi ka niya inaaccept? Pero imposible kasi 3 years mo na siyang ina-add sa facebook eh" Oo nga noh samantalang last year lang naging sila ni Somi
"Eh every year naman kasi na may girlie si Wooseok eh" tinaasan ako ng kilay ni Lei "So ano yun lahat ng naging girlie niya hawak facebook account niya ganurn?" nagkibit balikat lang ako at hindi na siya pinansin dahil dumating na ang teacher namin, si Marine wala parin nako late.
★
BINABASA MO ANG
Sana | Kim Wooseok
Короткий рассказ[COMPLETED] ❝Sana lahat ng 'sana' ko matupad❞ » Kang Sana In which Kang Sana have so many wishes(sana) that doesn't even come true but she still hope that it will soon.