66

111 3 1
                                    

Sana

I don't know kung bakit hindi ako makatingin kay Wooseok ngayon. Dahil ba gwapo siya? Kanina pa kami naglalakad pauwi at palubog narin ang araw. Iniisip ko na habang naglalakad ay magkahawak kami ng kamay at nagtatawanan pero siyempre imahinasyon ko lang yun.

Kanina pa nagtatama ang kamay namin ni Wooseok at parang kuryente sakin yun at kinikilig kaya tinatago ko ang mga ngiti ko at naka tingin lamang sa dagat. Pero ang imahinasyon ko ay nagkatotoo. Nagulat ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kaniya pero naka iwas siya ng tingin sa akin. Napa ngiti nanaman ako at nagwawala na ang puso ko.

"Sana" tawag niya sa akin kaya lumingon ako at nakita kong naka tingin na pala siya sa akin. "Bakit?" tanong ko at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya napakunot ako pero gumaan din ang higpit nito matapos niyang huminga ng malalim. "Ano ba tayo?" hindi ko alam anong sagot ang ibibigay ko dahil hindi ko nga alam. "Tao tayo" he chuckled "I mean tayong dalawa" ngumiti siya kaunti habang nakatingin sa akin "Ano na ba tayong dalawa?" Tumigil siya sa paglalakad at napatigil narin ako. Nakita kong nasa tapat na pala kami ng bahay pero nandito kami sa pangpang.

"H-hindi ko a-alam" utal kong sagot. Umiwas siya ng tingin at napahinga ng malalim at pinakawalan din yun agad. "Pag sinabi ko bang...mahal kita, ano na tayo?" nanlaki ang mata ko at napa lunok. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. "H-hindi ko talaga al-alam" kasi siyempre pangatlong araw palang namin dito tas may something na kami? Napaka bilis naman.

Binitawan niya ang kamay ko at humarap sa dagat at kakaunti nalang ay mawawala na ang araw hudyat na magdidilim na.

"Nang umamin ka sa akin ay hindi ko rin alam ang isasagot kaya naiintindihan kita kung wala kang maisagot maaaring nabigla kita" pinagmasdan ko ang maaliwalas niyang mukha. "Gabi gabi hindi ko maintindihan kung bakit ka pumapasok sa isipan ko hanggang sa sinabi ni Somi na nakikita niyang may nararamdaman ako para sa'yo na sa tingin ko ay tama"

"Imbis na mainis ako dahil nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan ay natutuwa ako kasi kasama kita. Gusto kong pasalamatan ang dumakip sa atin dahil magkasama tayo ngayon at heto ako nagtatapat na sa iyo"

Humarap siyang muli sa akin at tumitig. "Mahal kita at alam kong mahal mo rin ako" hinawakan niya ang dalawa kong kamay "Pero gusto kong marinig muli sayo ang salitang iyon" ngumiti siya at kita ko na sincere siya sa kaniyang mga sinabi

"Mahal kita"

"Mahal–din kita" ngumiti ako at agad niya akong niyakap. "Ang saya saya ko ngayon alam mo ba yun?" tumango ako, halata naman. "Hindi ko alam kung kailan ako nahulog sa iyo pero alam ko mahal kita"

tinanggal niya ang braso niya sa pagkakayakap at ngayon ay napaka lapit ng kaniyang mukha sa akin. Is this what I am thinking? Pinikit ko ang mata ko at naramdaman na lumapat ang malambot niyang labi.

"Sana" tawag niya at napamulat ako ng mata at nandito na pala kami sa tapat ng pintuan sa bahay. Imahinasyon ko lang yon? Bakit parang totoo?

"H-ha? Ano yun?" utal kong tanong at tumingin sa kaniya at umiwas din agad "Pumikit ka kasi tapos hindi ka huminga" a-akala ko...

"A-ah h-hindi ko alam ba't ko ginawa yun hehe" pekeng tawa ko at napakamot ng ulo at nagtungo ng kwarto nang mabuksan ni Wooseok ang pinto. Nakakahiya ka sis! Ano bang iniisip mo?! buti nalang naka pikit ka lang at hindi huminga aba paano kung ngumunguso ka pa diba? Nako nakakahiya talaga!

Sana | Kim WooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon