Sana
Graduation. Today is the day. Next year last year ko nalang sa college tapos okay na. Papasok na ako sa trabaho sa company ni dad.
Natapos narin ang pangliligaw sa akin ni Hyunbin he told me that alam niyang hindi ko siya kayang mahalin higit pa sa pagkakaibigan kaya naging magkaibigan nalang kami. I asked him if he still have feelings for me and he said kaunti nalang daw.
Ngayong gabi sa bahay lang ako sila kuya ewan ko aalis ata sila to celebrate. Si Lei uuwi ng Busan si Marine naman ewan ko don may pupuntahan din daw so hindi ako aalis ng bahay. Matutulog lang buong magdamag ganon.
"Sumama ka nalang samin Sana!" aya ni kuya Seungyoun sakin kasi nga maiiwan ako dito sa bahay, putek masisira pa ata ang plano kong matulog buong magdamag. "Oo nga, kawawa ka dito! Dapat nagsasaya ka kasama namin" sabi ni Hangyul
"Ayoko! Matutulog ako eh" sabi ko at humiga sa sofa namin at sila nakatayo lang pinipilit ako. Inugoy ni Hangyul yung sofa at sumunod si kuya Seungwoo na konti nalang ang mahuhulog na ako.
"putek! oo na! saglit lang magbibihis lang" tumayo ako at dabog na nagpunta sa kwarto at nagbihis.
Pumunta lang kami sa bbq restaurant kasi may soju naman doon kaya mag iinuman sila ay kami pala. Tangina.
"Uy darating ba si Wooseok?" tanong ni Yohan at nagkibit balikat lang silang lahat habang ako wala kunwaring pake kasi nakain ako.
"Hay nako mamaya payun haha" sabi nung Byungchan na katabi ni kuya Seungwoo "Uy nga pala guys, uuwi itong kapatid ko sa pinas" sabi ni minhee "luh? kailangan iannounce?" sabi ko kay kuya "Hala nako mamimiss ka namin" sabi ni Seobin at ngumiti lang ako "Pasalubong, dried mango" tumawa lang ako at nagsabi ng sige
"Kailan alis mo? Bakit hindi ka kasama Minhee?" Tanong ni Seungyoun na naka akbay sa babaeng katabi niya, hindi ko kilala.
"Ako kasama ni Sana maiiwan itong si Minhee para sa mama niya saka nakapunta nadon si Minhee eh si Sana nalang hindi" sagot ni Jinhyuk sa tanong
"Wala kang balak na umamin kay Wooseok?" umiinom ako non nung sinabi ni kuya yon, tangina? laglagan? Ay no need alam pala nilang lahat. Halata kasi ako eh, tsk.
"Hindi na kailangan wala namang mangyayari eh" sabi ko at kumain lang uli. Mas okay ng walang nakaka alam kundi ako
"May isang linggo ka pa naman eh"
Umiling ako
"Gawan mo na ng paraan Sana malay mo bago ka umalis maging kayo diba?" Sabi ni Hangyul na may toothpick sa eyelid at ngumiti natawa lang ako "Imposible yon" sabi ko
"Paanong imposible? Nasubukan mo na ba?"
Oo...
"Saka malay mo mahulog din siya sayo, marupok naman yon eh" sabi ni Jinhyuk at tumawa to light up my mood
"Ewan ko sa inyo" hinayaan ko nalang sila at umorder pa ng kung ano at nakipag kwentuhan nalang.
Dumating na si Wooseok at masaya naman siya, rinig ko ang tawa niya kahit na hindi ko siya tignan alam kong siya yun ako pa? Simula ng tignan ko siya ay hindi ko pa siya tinitignan.
"Kuya uwi nako" sabi habang nakatingin lang sa pinagkainan ko "Bakit? Kadarating lang ni– ahh okay sige" mukhang naintindihan naman ni kuya so umuwi na ako ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
Sana | Kim Wooseok
Short Story[COMPLETED] ❝Sana lahat ng 'sana' ko matupad❞ » Kang Sana In which Kang Sana have so many wishes(sana) that doesn't even come true but she still hope that it will soon.