Chap 3

6K 49 1
                                    


Eedit ko pa to kaya sensya na kung may mga typo errors.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Elliana's POV



Walang class ngayon ang university namen kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa mall para mamili ng mga gagamitin kong damit mamaya.



 Naglagay ako ng light make up pagtapos kong maligo at nag leggings lang ako at white tank top sabay pinatungan ko ng black na cardigan. Sinuot ko na white shoes ko. 



Nagbook ako agad ng grab para mabilis. Pag baba ko ng condo ko ay andun na agad yung sasakyan kaya sumakay na ako.



Ng makarating ako sa mall dumiretso agad ako sa restroom. Paglabas ko nakita ko agad fave milk tea shop ko at agad na pumasok don.



"Hi Mam Elliana!" masiglang bati sakin ng crew, nginitian ko lang siya.



 Regular customer nila ako dito kaya kilala na nila ako at ang mga gusto ko.



"The usual padin po ba mam?" tumango lang ako



"Okay po mam wait lang po preprepare ko lang" umupo muna ako at nag phone para tignan ang mga cliente ko.



13 NEW MESSAGES
22 NOTIFICATIONS

8 MISSED CALLS



I mentally facepalmed, nakakaloka naman tong mga ito purki alam nilang free day ko ngayon pinapasabog phone ko. Di ko muna sila nireplyan at nag facebook muna ako.



35 NEW FRIEND REQUESTS

28 NOTIFICATIONS

17 MESSAGES



I clicked on the friend requests muna tinignan kong maigi at baka may kakilala ako. Nanlaki mga mata ko sa nakita ko sa bumungad saken.



ASH. [CONFIRM] [DELETE]



Ash??? As in yung masungit na lasingero na yon??? 



Tinignan ko yung profile picture niya naka sideview habang may yosi sa bibig niya pero naka private kaya di makakapag comment. 

The Prosti (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon