Chap 14

1.2K 30 0
                                        

 50.3K!!!

♥️TYSM

_________________________________________________________________________

Elliana's POV


Ilang minuto na akong naghahanap ng masusuot pero di ako makapili. Sabi ni Cami sexy daw? Panong sexy ba? Fitted lang o hubadera na? Kaloka di spinecify!


I reached for my phone and tinext ko si Yass para lang iinform siya na sasama ako sa party.


I furrowed my brows when I saw a few texts from Vier.


PAPI V.

Please think about what I said.

Think about it for atleast 10 times bago mo ako sagutin.

And please always take care of yourself.


Napanguso ako ng sabi niyang alagaan ko ang sarili ko. Di ko kaya yun , baka pwedeng ikaw na lang mag alaga sa akin? Chos.


Narealize kong ang o.a. ng name niya sa phone ko. Baka may makakita pang iba. Hinihiram pa naman ni Cami o Yass ang phone ko. 


Binura ko yung PAPI sa name niya. V. na lang ang nakalagay.


Napalingon ako sa pinto ng may kumatok na. Si Nicky na siguro iyon. Ang tagal ko kasing namimili ng susuotin eh pero naka ayos naman na ang muka ko. 


Naglagay lang ako ng light make up at nakalugay lang ang buhok ko. Mag aapply na lang ako ng red lipstick mamaya pag naka bihis na ako.


Binuksan ko na ang pinto at pinatuloy si Nicky. 


Kinurot naman niya ang tagiliran ko at sumimangot.


''Gaga ka! Bakit hindi ka pa din naka bihis! Ano na! Mag panty bra ka na lang kaya!'' natatawang sabi niya.


''Wait lang kasi di ako makapili eh.'' sabi ko habang nakapamewang at nginuso ko ang mga damit na nakatambak.


''Malalate tayo niyan sa katagalan mo. Ako na nga mamimili! Ang dami dami mong damit eh!'' at padabog siyang pumunta sa closet ko.


Umupo muna ako. Lumabas na din agad si Nicky may dala dalang black thin strap mini dress, square ang neckline nito at may slit eto sa magkabilang side.


''Eh parang ang plain naman niyan masyado. Sabi ni Cami sexy daw dapat.'' at nagkamot ako ng batok ko.


''Aba mamili ka. Wag ka na magsaplot o eto susuotin mo.'' madiin na sabi ni Nicky.


Napairap naman ako. Minsan talaga nagiging bossy tong hayop na ito. Moody talaga.


''Tsaka maganda ka naman madadala mo to no! Anhin mo sexy kung tapon ulo naman! Ano yon hipon? Ew.''  dirediretsong sabi ni Nicky kaya natawa naman ako.

The Prosti (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon