lyk lyk lyk nemen keyu jeen
___________________________________________________________________
Elliana's POV
Ang lakas ng hampas ng hangin kahit na nakahelmet ako . Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ash. Para hindi ako mahilo kahit papaano.
Hindi ko alam saan ako dadalhin neto kaya bahala na. Hindi ko na din binalak kulitin siya. Gusto ko rin naman masurprise na lang. Ready naman ako eh.
Tahimik lang byahe namin. Buti na lang at hindi masyadong mainit. Mga ilang minuto pa lumipas ay nagsalita si Ash.
''Malapit na tayo. Tulog ka ba?'' biglang sabi niya.
''Gising ako.'' sagot ko kaagad.
''Inaantok ka ba?'' tanong niya ulit.
''Hindi. Lakas kasi ng hangin kanina eh.'' sabi ko at umayos na ako ng upo.
Hindi naman na siya kumibo pero naramdaman kong tumango siya at kumaliwa siya. Doon ko nakita kong papatungo kami sa isang art musuem.
Ohhh so dito pala kami. Napangiti naman ako.
Nagpark na siya at bumaba na ako. Tinanggal ko naman na ang helmet at inabot sa kanya.
Inayos naman niya ang motor niya at bumaling na siya sa akin.
''Are you okay with this place?'' mahinang tanong niya na para bang natatakot siya sa isasagot ko.
''Of course! Ano ka ba, I like musuems.'' at ngumiti ako reassuring him. He smiled at me with relief.
I pinched his cheek dahil ramdam kong parang kabado siya. We're hanging out lang naman no need to feel pressure.
Inaya na niya akong pumasok kaya sumunod naman ako. I fished for my phone para makapag take agad ako ng pictures.
I silently took a photo of Ash habang nauuna siyang maglakad sa akin. Buti na lang at walang sound at flash.
Lumingon naman siya sa akin dahil nagpahuli ako maglakad kaya umakto ako na tumitingin tingin lang sa paligid. Tinabi ko naman agad ang phone ko para hindi siya makahalata.
''Come here slowpoke.'' sabi niya.
Ngumuso naman ako at binilisan maglakad para makaabot sa kanya.
''Yabang mo naman mas mahaba lang talaga legs mo sa akin no!'' pagdedepensa ko.

BINABASA MO ANG
The Prosti (ONGOING)
Teen FictionHow long will Elliana Genevieve Robles keep her dirty little secret? Wala na ba talagang makakapigil sakanya? O sa pag dating ng isang tao sa buhay niya ay tuluyan na siyang makakapagbago. Published: October 2019