Chap 15

1.3K 29 2
                                    


No show Papi Vier? Hahahaha 


___________________________________________________________________

Elliana's POV


Halos maubusan ako ng hininga sa pag buhat kay Ash. Pilit kong tinitigasan, nilalakasan at tinitibayan muscles ko. Pucha, naka heels pa ako at ang iksi pa ng dress ko. Baka mamaya lalong tumaas slit neto.


Hindi naman kasi ako na inform na magbubuhat pala ako ng lasing no!


''Hoy lalake baka naman gusto mong gaanan mo naman katawan mo.'' bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.


Nakapikit lang siya at medyo naka awang pa ang labi niya. 


Bahala siya mapasukan ng langaw yang bunganga niya.


Pag ka bukas ko ng pintuan ng unit ko ay agad agad ko siyang hinatak papunta sa kwarto at ibinagsak ko na siya sa kama ko. Hingal na hingal akong naka tingin sa kanya habang naka pamewang ako. 


Pinunasan ko ang pawis ko ng tissue na nasa may side table ko. Pucha kulang na lang ilabas ko dila ko sa sobrang pagod ko pero wit na lang.


Iniwan ko muna si Ash sa kama ko dahil talagang knock out si mokong. 


Dumiretso ako ng closet para maihubad ang heels ko at maibalik na ang purse ko. Naghanap na din ako ng pamalit ko na pantulog.


Mabilis din akong nag wash ng katawan ko dahil pakiramdam ko nanlagkit ako kay Ash.


I took my make up off and brushed my teeth. Tinali ko naman ang buhok ko.


Pag ka tapos kong ayusin ang sarili ko, kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may message ba ang mga kaibigan ko.


I saw a few texts and chats from Nicky at Yass.Inuna kong tignan ang reply ni Yass.


FROM: B1 Yass

 Enjoy! Ingat kayo! Balitaan niyo ako kung may rereto kayo sa akin!


Napa iling na lang ako at natawa.


Chineck ko din ang texts ni Nicky.


FROM: B2 NICKZ

Ingat kayo ha. Kwentuhan mo kami pag pasok ano ninyo ganap diyan.


Napasimangot naman ako. Tarantada talaga, ano akala niya sa akin? Chansingera? 


Pinikit ko ang mata ko at minasahe ang sentido ko.


Medyo nahihilo din ako. May tama din ata ako ng alak. Bilib din ako sa sarili ko at nakayanin kong iuwi kaming dalawa ni Ash ng ligtas.

The Prosti (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon