Chap 19

1.2K 31 7
                                    




follow me for ud's on uds haha!! :>

_____________________________________________________________________________


Elliana's POV


Pareho kaming napalingon ni Ash sa sumigaw at nakita naming sila Izza iyong sumisigaw habang si Nicky ay tawa ng tawa sa likod niya.


Gulat na gulat sila nakanganga pa si Izza habang hawak ang dalawang platong nakuha niya na puno ng kakainin niya. Malamang ay narinig nila Cami ang pagsigaw ni Izza kaya lumingon na din ako sa kabilang table.


Halos gusto kong kainin na lang ako ng lupa dahil nakita kong lahat sila ay nakatingin sa amin ni Ash.


Si Cami naman ay nakangiti na pang demonyo sa aming dalawa habang si Maddy naman ay masama ang tingin sa akin lang. Yung dalawa naman ay naka tulala lang din.


''Ang tamis niyo masyado huy dinaig niyo pa yung kinuha kong cake! Nahiya siya sa inyo!'' pangangantyaw ni Nicky.


Umirap lang ako sa sinabi ni Nicky pero narinig kong tumawa si Ash kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng table.


Umupo naman na sila sa harap namin. Si Izza naman ay mukang nakarecover na sa gulat kasi nakasara na ang bibig niya busy na siya sa pagpili kung alin ang unang lalamunin niya.


''Dito na lang ako girls ha! Baka bawal pag hiwalayin yung love birds eh.'' pangasar naman ni Cami.


Tumango naman sila Izza at Cami habang nakangisi at nakatingin sa amin ni Ash.


Umiwas lang ako ng tingin kasi ayoko sila patulan. Nakakahiya dun sa mga tropa ni Ash.


Naramdaman kong tumayo si Ash kaya napatingin ako, baka napikon na siya?


''Hindi ka pa ba kukuha ng pagkain?'' tanong niya sa akin kasi napansin niya atang nakatingin ako. ''O ako na kukuha para sayo?'' dagdag na tanong niya sa akin.


''Aba pota, pare ang landi mo!'' sigaw bigla nung Ken at natawa silang lahat.


Hindi ko pinansin silang lahat lalo na si Ash at tumayo na ako para ipagkuha ang sarili ko. Bakit naman ako papakuha sa kanya may kamay naman ako.


Inuna kong puntahan ang pasta section at namili kung alin doon ang tipo ko.


''Mahilig ka ba sa italian food?'' bulong ni Ash sa tenga ko kaya bahagya akong napatalon sa gulat.


Parang tanga naman kasi!


''Putek, sulpot ka ng sulpot.'' asar na sabi ko at kumuha na ako ng plato para makapaglagay na.


''Italian resto ba gusto mo sa first date natin?'' malumanay na tanong niya.


''Uhmmm, ikaw na bahala.'' at iniwan ko siya doon para makapunta ako sa iba't ibang flavor ng fries.


''So kailan ba tayo magdadate, El?'' tanong niya ulit.


Ang bilis niya naman sumunod!


''Hay nako ewan ko! Kumuha ka nga ng makakain mo hindi yung buntot ka ng buntot.'' inis na sabi ko.


''Makita lang naman kita busog na ako eh.'' banat niya kaya napacringe ako at tumingin sa kanya.


The Prosti (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon