ig&twttr: elm_dev_______________________________________________________________
Elliana's POV
We were all shocked on how beautiful this house is. Kahit kami nila Nicky ay ngayon pa lang nakapunta dito.
Ethan started roaming around na para bang iniispect yung bahay at bawat sulok nito. Namamangha din siguro talaga siya.
Ash was still holding on to me. Tahimik lang kaming naglalakad. Busy din siyang tumingin tingin.
"Hoy umayos ka nga! Para kang nagbabalak gumawa ng krimen!" pagsaway ni Izza kay Ethan.
Hinila naman ni Izza si Ethan papalapit sa amin. Lahat muna kami ay nagpahinga sa may receiving area nila. Natanaw ko banda sa kabilang parte na andoon ang isa pa nilang living room.
The furniture was so pretty it looked so vintage but with a touch of gold. Bawat parte yata ng bahay ay may iba ibang style ng chandelier. Pagkabukas pa lang ng double door nila ay bubungad sayo ang chandelier at ang malaking stairway.
Sigurado akong maganda din ang sa taas at mukang madaming ibaibang kwarto.
Nagpaalam muna si Ash at yung dalawa pang lalake para daw kunin ang nga gamit namin na naiwan sa kotse. Si Cami naman ay busy kausapin ang mga katulong. Kami lang apat ang naiwan ditong nakaupo at nagpapahinga.
Ngayon ko lang ulit nakita si Maddy. Nakahalukipkip lang siya habang nakaupo at nakatingin sa sahig. She noticed me looking at her so she looked at me weird then rolled her eyes at me.
I shook my head and sighed. What's her deal? Akala mo laging hinahamon ng away eh ugh. Sana lang hindi niya sirain ang mood ko. Gusto kong enjoyin ito.
"Mga ma'am halina po muna kayong lahat para po kumain ng almusal." magalang na sabi ng isang katulong.
Nagpasalamat kaming lahat at tumayo na papatungo sa dining room. Bumungad sa amin ang mahabang mesa na may maraming upuan. May mga bulaklak at prutas din sa gitna nito.
Nagtabi tabi naman kami ng upuan nila Izza at Nicky pero ang magaling na Maddy umupo ng pagkalayo layo. May virus ba kami beh?
Nagkatinginan naman kaming tatlong at parang nagusap na kami sa mga utak namin na ang arte ni Maddy.
Bigla namang sumulpot si Cami at nakiupo na sa tabihan din namin. Bali sampo lahat ng upuan. Tag iisa sa dulo at tag apat sa gilid. Kaming apat ay nakahilera sa isang parte habang si Maddy naman ay nasa kabila.
Nagsimula ng maglapag ng mga pagkain ang mga katulong pero hindi muna kami kumain dahil inaantay pa namin ang mga boys. Nakakahiya naman dahil sila pa ang nagasikaso ng mga bag namin.
Narinig namin na may mga bumaba mula sa hagdan kaya lahat kami ay napatingin sa mga boys napapalapit na. Umupo na sila tatlo at sakto kakatapos lang magserve ng mga maid.
Nakapwesto sa harap ko si Ash habang nasa gilid naman niya si Maddy. Halatang tuwang tuwa pa nga na katabi niya si Ash pero hindi naman siya nito pinapansin. Napatingin naman sa akin si Ash dahil napansin niya atang nakatitig ako kaya kinindatan niya ako.

BINABASA MO ANG
The Prosti (ONGOING)
Teen FictionHow long will Elliana Genevieve Robles keep her dirty little secret? Wala na ba talagang makakapigil sakanya? O sa pag dating ng isang tao sa buhay niya ay tuluyan na siyang makakapagbago. Published: October 2019