:->
ig: el_mre
twttr: elm_dev
__________________________________________________________________________
Elliana's POV
Ayos talaga! Napakabastos! Tama ba yon? Bigla bigla na lang aalis!
I bit my lower lip just so I can manage to stay calm kahit gustong gusto ko siyang sigawan.
Why is he being so difficult? Akala ko talaga okay na kami.
Nicky and Cami looked at me weird pero wala silang sinabi. Tinuloy nila ang pakikipagusap dun sa dalawang lalaki.
Pinatpat naman ako ni Yass sa likod kaya napatingin ako sa kanya. Medyo nawala naman yung inis ko kaya kumalma na ang mukha ko. Natawa naman si Yass sa mukha ko.
''Oo nga pala, Ken and Ethan, this is Elliana and Yass.'' narinig kong pagpapakilala ni Cami habang papalapit silang apat kaya napalingon naman ako sa kanila.
''Pasensya na kayo sa tropa namin, may topak lang ata si Ash.'' pagpapaliwanag nung Ken at ngumiti sa amin.
Lumapit naman kami at nakipag shake hands sa kanilang dalawa.
''Lunch tayo girls? My treat. I know a good restaurant around here.'' tanong nung Ethan.
Buti pa sila mababait sana hawahan manlang nila si Ash ng kabaitan nila.
''Sige ba, hindi pa kami kumakain ng lunch, kayo Yass?'' tanong ni Cami.
Nagtinginan naman kami ni Yass. Madalas kasi pareho kami ng desisyon.
Tumango naman ako sa kanya para sama na kami.
''Ay ang saya naman, kaso sayang lang at umalis yung isa niyong kaibigan edi sana kumpleto kayo.'' sabi ni Nicky.
Bahagya pa siyang napatingin sa gawi ko pero umiwas ako ng tingin.
Nauna na silang apat maglakad habang nasa likod lang kami ni Yass.
''Ikaw ha, you need to fill me in some details.'' bulong sa akin ni Yass.
Masama ko naman siyang tinignan at agad akong dumepensa.
''If you're talking about sa paguwi ko kay Ash sa un-'' pinisil niya agad ang pisngi ko kaya napatigil ako magsalita.
''No, hindi naman kita inaasar doon. I just want to know kung ano nangyari at bakit hindi pa din kayo maayos. Pero kung ayaw mo, okay lang din naman.'' sagot ni Yass agad.

BINABASA MO ANG
The Prosti (ONGOING)
Teen FictionHow long will Elliana Genevieve Robles keep her dirty little secret? Wala na ba talagang makakapigil sakanya? O sa pag dating ng isang tao sa buhay niya ay tuluyan na siyang makakapagbago. Published: October 2019