Chap 30

401 14 11
                                    




I can feel the tension in the room. Para bang hindi na ako makahinga kakaantay sa sunod nilang sasabihin o ikikilos.



"Oh uh, El was here earlier." kabadong sagot ni Ash.


"Ano pre? Kanina? Ang aga pa ah?" singit naman ni Ken.



"She had some problems with her unit kaya I let her sleep over here pero nakaalis na nga siya." pagpapaliwanag ni Ash.



"She lives in this building too?" tanong naman ng Mom niya.



"Yes pero ngayon ko lang naman siya pinapunta dito." sabi niya.



"Why don't we visit her then?" tanong ulit ng Mom nya.



"Maybe next time Mom, I already told you she's fixing her unit. I think she lost her keys or something." pagpapaliwanag ni Ash.


"Oh sayang naman I wanted to talk to her pa naman ulit she seems like a nice girl for you." sabi ng Mom nya.



Pasimple naman siyang kinantyawan nila Ken at Ethan pero sinamaan sila ng tingin ni Ash kaya maya maya pa ay tumigil na din sila at narinig ko silang naghahanda na papaalis.



"I hope you're not doing anything stupid, Ashton. I swear kapag may nalaman ako." huling banta sa kanya ng Mom niya.



I saw Ash just shrugging off what his Mom said. Tinapik naman nila Ken at Ethan ang braso nya bago silang lahat lumabas. Inantay ko munang marinig na ni lock na ni Ash ang pinto bago ako lumabas.


"Hey" I called him.


Lumingon naman siya kaagad kaya pinisil ko ang pisngi niya. Napa aray siya sa ginawa ko pero natawa lang ako sa reaction niya.



"Awwww! Bakit?" he said.



"Bakit mo naman kasi sinabi na nanggaling ako dito at dito ako nag stay? My God!" daing ko .



Iniisip ko na baka makarating kay Mama ito dahil baka maikwento ng Mom ni Ash. Baka mamaya malagot pa ako kay Mama!


"Oh, shoot. Sorry I didn't know what to tell her. Nagpanic na din ako kaya yun lumabas sa bibig ko." pag hingi niya ng patawad.

****

We had our breakfast and Ash went out to go fix my key sa front desk. He said it might take a while kaya dito na lang ako mag antay sa kanya. Wala din akong damit na pang labas.


Alangan naman na mag gown ako e sa baba lang naman kami. At ang aga aga pa. Nakakahiya.



I tried to sleep again pero I can't. I started to feel anxious dahil mamaya nga pala ay aalis ako. I kind of forgot about it.



Honestly when I'm with Ash I tend to forget some thoughts of La Nuit. Probably because he makes me feel at home and I'm already comfortable with him.



Kumuha ako ng towel na ginamit ko at naghanap ako ng shirt niya ulit na plain lang para mahiram. Maliligo na lang muna ako ulit.



I lalaundry ko na din itong mga ginamit ko para hindi nakakahiya. Isosoli ko na lang din tong shirt na isa pag naka uwi na ako.


When I got out, nag bihis na ako kaagad at baka mahuli pa niya akong nakatowel lang hahaha!


My hair was so wet and tangled kaya I looked for a comb. Pero wala. Maski sa mga drawers or sa tables niya wala.


The Prosti (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon