Chapter 15

15 1 0
                                    

((( Shai's P.O.V. )))

"Beeeessst!"

Sinalubong ko na agad si Leila. Marami-rami akong itatanong no!

"G'morning Shai!"

"Ikaw babae. Mag-tapat ka. Sino ba talaga si Andrew? Merong ano sa inyo nung guy? Kailan at saan mo nakilala? Ba't di mo sinasabi sa'kin? Ba't--"

"Shai, unang-una. Andrew is a friend. Walang 'ano' sa amin. Nakilala ko siya sa park near the mall last Sunday. I didn't have time to tell you because I was busy thinking of a way to make him and Therese bati."

"Da who is Therese?? ~_^"

"Therese is a girl Andrew loves a lot, as what he said."

"Oh. Nag-away sila then si Ms. Peacemaker ka?"

"Yes, Best. Getz na?"

"Okieeeee."

Tinitigan ko yung mukha ni bespren. Para kasing .. Pati mata niya, ngumingiti?

"Oh, why are you looking at me like that, Shai?"

"You just seem so happy. Why is that?"

"Kaseeee Daddy says bibilhan niya ako ng gitara. ^____^"

"Really? That's good! Ako una mong kakantahan ha?"

"Okaaay! ^__^"

Alam ko naman kasing marunong siya pero wala lang siyang gitara. Ewan ko ba sa babaeng to kumbakit ngayon lang naisipang magpabili ng gitara!

"Sige Best! Upo na tayo. Papasok na rin siguro si Ma'am."

"Sige. Btw, Best."

"Oh?"

"May pupuntahan ka mamaya?"

"Wala naman."

Yeeeessss! Puppy eyes, gumana ka!

"Leilaaaa.. Overnight ako sa inyo, ha? Ha?" *3*

"Oo ba! Daan nalang tayo house niyo to get your clothes mamaya? Yeey! Excited na ko!"

"Hehehe! Thanks, Leilaa!"

*** Dismissal ***

"Anooo beeey! Andami-dami namang assignments! Tulungan tayo maya Best ha?"

"Oo naman. ^__^ Daan na tayo bahay niyo Shai!"

"Okaaay! ^___^"

Di naman halatang masaya ako no? Actually, gusto ko mag-overnight di lang dahil sa miss ko na ang bahay nina Leila kundi ..

*Beeeep-Beeep-Beep!*

"Eeh? Renz? Ginagawa mo dito?"

"Uhm. Visiting you?"

"Seriously? ~_^"

Hahaha. Kakatawa naman tong dalawang to!

"Are you on your way home? Can I give you a ride?"

"Oo ba! Thanks, Renz! Pero daan muna tayo sa bahay ni Shai ha? Kuha siya ng damit niya, mag-oovernight siya sa bahay eh!"

"Really? Hop in then!"

Di ko na napigil si Leila kaya eto kami ngayon. Nasa loob ng sasakyan ni Andrew. Bago siya ulit mag-drive, nagpakilala siya formally sakin.

"Renz nalang ha?"

"Sure. Renz. ^__^"

Habang nasa byahe kami papuntang bahay, nagkwekwentuhan lang silang dalawa. Nasa likod ako eh. Mag-isa. Huhu!

"Renz, 'jan lang oh. Mabilis lang naman akong kukuha ng mga damit."

"Okay. Take your time."

Bumaba na ako at pumasok ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko palang, napa-ilag na ako sa isang flying pitsel.

*Craaaaaaak!*

"Anong kasalanan ko sa'yo?! Ba't mo kami tinatratong ganito ng anak mo?!"

"Wala." Nakayuko lang si Papa.

*Booooogssh!*

"Doon ka na! Sa isa mo pang pamilya!"

Nakayuko pa rin si Papa. Si Mama, nagsisisigaw. Umakyat ako at kumuha ng mga damit ko. Pagbaba ko, si Mama nalang mag-isa, nakaupo sa sofa. Niyakap ko nalang siya.

"Ma, bukas po ako uuwi. Kina Leila lang ako."

"Okay, 'Nak. Sorry ha? Kailangan mong madamay sa ganito. Hindi ko alam kung bakit di ko kayang hiwalayan ang Papa mo. Mahal ko siya, 'Nak.. Mahal--"

Napahikbi na naman ulit si Mama. Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

"Ma, andito pa ako, Okay? Live for me, then! Wag ka na umasa kay Papa! Please. Tama na ha? Doon ka na muna kina Tita. Susunduin kita bukas."

"Okay. Thanks, Baby. Sige na 'Nak. Hinihintay ka sa labas diba? Ingat. Love you 'Nak."

Hinalikan ako ni Mama sa noo at niyakap ko nalang siya bago lumabas. Pinilit kong ngumiti kina Leila at Renz kahit sobrang sakit na ng puso ko dahil sa pag-aaway ng mga magulang ko. Gusto kong umiyak pero pinigil ko muna 'to.

"Renz, thanks for the ride."

"Anytime, Leila."

Then umalis na yung sasakyan. Pagkapasok namin sa bahay, niyakap na agad ako nina Tita at Tito.

"Shai, anak! Miss ka na namin! Kamusta ka na?"

"Okay lang po, Tita Khaila. ^___^"

"Sige, akyat na kayo ng kwarto. Inayos na namin 'yun eh! Alam kasi naming matutulog ka dito, Shai."

"Thank you po, Tito Lewis."

Then napaiyak nalang ako bigla. Pag andito kasi ako kina Leila, pakiramdam ko bahagi ako ng pamilya nila. Naaawa ako kay Mama pero mahal niya talaga si Papa kaya di niya kayang bitawan siya. Ayaw niya rin daw akong mabuhay ng walang ama.

"Haaay. Anak, iyak lang kina Tita at Tito. Ganito. Starting now, call me Mommy Khaila."

Hinug na ako nina Tita at Tito.

"Daddy Lewis naman ako. Anak ka namin, kaya anytime pwede ka dito sa bahay."

Niyakap na rin ako ni Leila.

"Ayan. Kapatid na talaga kita. Magbihis na tayo para makapag-prepare ng dinner! Lika na!"

Ngumiti ako sa kanila at umakyat na kami ni Leila sa kwarto niya. Kaya mahal na mahal ko si Leila at ang pamilya niya. Mahal na mahal kasi nila ako.

Matapos ng dinner, tumambay ako sa terrace ng kwarto ni Leila. Naligo pa siya eh. Nauna ako sa kaniya.

* U Smile *

--> Incoming Call <--

Unregistered number? Sino kaya 'to? Sinagot ko nalang.

[ When your heart aches, don't keep it in. Let it out. Cry it out loud. I may not know exactly how you feel but I know the feeling of pain. Shai, a pretty girl like you shouldn't hide her pains through fake smiles. I'll be here for you. ]

--> Call Ended <--

o_O

Maya-maya pa, lumabas at tumabi sakin si Leila.

"Oh? Ba't ganyan mukha mo best?"

"I think.."

I think I just found my Knight In Shining Armor.

Once in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon