VII: He's At My Home.

10 0 0
                                    

((( Dawn's P.O.V. )))

Nauna na siyang kumalas sa yakap. Timing din na tumunog ang phone ko.

*Photograph :: Ed Sheeran*

"Hello, Mommy?"

{ 'Nak. Asaan ka na? }

"I'm with a friend lang po. Bumisita nga pala ako sa lagi nating pinupuntahang beach dati, Mommy!"

{ Oh? Kamusta jan? }

"Maganda pa rin, Mommy. Don't worry po pala. Pauwi na rin ako. Sorry po."

{ Okay lang 'Nak. Sige, Ingat ha? I love you. }

"I love you too, Mommy. Mwuaaah!"

*Toooot Tooot*

"I need to go na."

"Oo nga. Almost 7 na rin pala. Hatid na kita."

"Thanks."

Hinatid niya na ako pauwi.

Nang dumating kami sa bahay, napatigil kaming dalawa sa gate.

"So, I guess this means, Babye?"

"Yeaaaah."

Biglang nalungkot si ANN.

"But hey. You could meet me anytime, right? Kilala mo na rin naman ako."

"Uhmm ..."

Ayoko nang malungkot siya. :(

"Haaay. Baby, gimme' your phone."

"Eeeh?"

Kinuha ko na ang phone niya, sinave ang number ko at dinial para alam ko na rin ang number niya.

"Okay na. Papasok na ako."

Tinalikuran ko na siya at tumakbo papasok, sabay sara ng gate.

.

.

.

Kumabog-kabog na naman kasi ang puso ko dahil sa titig niya. Magkakasakit ako sa puso nito eh!

"Dawwwn!"

"Oooh? Bakeeet?"

Pagbukas ko ng gate, he was handing out a plastic bag.

"Anjan yung couple shirt at pics natin."

"Ay, ah-- oh-- o-okay. Sige."

Tatalikod na sana ulit ako nang ..

"Teka."

"Ano--"

Di na ako nakapagdugtong ng bigla siyang pumasok ng gate.

"Hah! Huuuy, ikaw!'

"Hey, I'm still your BOYFRIEND."

"Pero bahay ko na 'to!"

Pinalo-palo ko pa siya para lumabas na siya. Nahihiya kasi ako!

.

.

.

At natatakot. Natatakot na tuluyan nang mahulog ako ng sobra sa lalaking 'to. :(

"OUCH. BABY, YOU'RE HURTING ME!"

Pasigaw niyang sabi habang tumitingin sa loob ng bahay. Pinaparinig niya talaga kay Mommy!

"'NAK, MAY KASAMA KA?"

"WALA P--"

"TITAAAA!"

Ugh. Here comes trouble. Nakalabas na si Mommy at medyo nagulat pa siyang makita akong may kasamang guy.

.

.

.

.

Oo na. =_= Ako na ang di malapit sa boys dahil matiyaga mag-aral. Ako na ang introvert!

Ehehehe. Di naman ganun ka introvert. Let's just say talagang hindi marami ang ka-close ko.

"Eh? 'Nak naman, ba't di mo sinabing may bisita tayo?"

Hindi na ako pinagsalita ng anghel na katabi ko.

"Hi Tita! Boyfriend po ako ni Dawn."

"Aaaah. BOYFRIEND. Sige, pasok na muna."

Sabay tingin sakin ni Mommy ng masama na para bang nagsasabing 'Magkwento ka mamaya. Magtutuos tayo. Friend pala ha.'

Pataaaay.

@ Around 9 PM

Napasarap na ata sa pagkwentuhan si Mommy at 'Baby ko' kuno ah? Hindi ba't late na? Actually ...

.

.

Di ako nakikinig sa pinag-uusapan nila. Ayoko na nga lumapit sa kanya diba? I'm just watching T.V.

iCarlyyyyy!

"Btw, ijo. Saan ka pa umuuwi?"

"Uhm.. Actually, malayo pa po. Napasarap nga ako ng kwento, di ko na namamalayan yung oras."

"Hah? Papano ka niyan ngayon?"

Napatingin na ako sa kanila. Halaaaa. Papano nga 'tong si gwapong cute ngayon?

"I can just stay in the hotel na kadugtong ng mall naman po eh."

"Aaaaay, Ayoko. Delikado nang lalabas ka ngayon. Dito ka nalang."

"WHAAAAAAT?!"

Ako yan.. Ipa-stay ba naman dito ang isang stranger?

"Hala, Tita, baka naman po magalit ang Papa ni Dawn?"

"Wala siya dito. May business trip. Ipagpapaalam kita, 'wag kang mag-alala.Ha?"

"Nakakahiya naman po."

"Ngayon palang, sinasabi ko nang napalapit mo ako sayo. 'Wag ka na mahiya. Diyan ka ngalang matutulog sa sala, okay lang?"

"Okay lang po, Tita. Salamat po! ^____^"

Aaaaaws. Grabe yung ngiti.

.

.

.

.

Okey'payn. He wins. Dito na siya matulog.

Haaaay. Aminin mo Dawn. Ginusto mo ring matapos yung araw na to na kasama mo siya.

Once in a Lifetime ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon