((( Dawn's P.O.V. )))
Ngumiti muna ako kay Taryn at saka tumayo. Lumapit ako kay Angelo at tinitigan ko ang mukha niya.
Ang gwapo pa rin. Tsk tsk. Ngumiti ako sa kanya at nagsalita..
"Ilang beses na pala tayo pinagtagpo ng tadhana, Baby. Ankyuuut no? Pero di bale. Naging masaya naman tayo kahit isang buong araw lang 'yun, Angelo."
Nakangiti siya. Alam kong masaya na siya. Alam kong wala ng makakapagpapagod sa kanya kung nasaan man siya. Alam kong binabantayan niya ako. Alam ko ring naririnig niya ako ..
"I love you, Baby."
***** 4 Months Later ! *****
"Leilaaaaaaaaa!"
"Mommmyyyy!"
Pagbaba ko ng stairs, sinalubong ko si Mommy ng kiss at hug.
"Good Morning pooo! Tsaka, Mommy. Diba sabi ko pwede mo naman akong tawaging Dawn?"
"Eeh. Baka kasi--"
"I'm okay, Mom. Baka magalit si Angge na di pa tayo kumakain. Kain na tayo!"
"Okay. Angge! Kain ka na rin!"
Araw araw, ganyan kami. Parang kasama lang namin si Angge. Masaya naman sa bahay eh. Haha.
* Ding-Ding-Ding-Ding-Ding- .. *
OmO
"Isang tao lang ang wagas mag-doorbell, Mommy."
Nagtinginan muna kami at sabay na tumakbo papuntang gate. At tama nga kami!
"DAAAAAAAAADDDDDYYYYYYYYYYY!"
Inamba ko ng yakap si Daddy. Si Mommy naman, hinalikan siya.
"Princess, how are you na? Are you better?"
"Sure, I am, Daddy!"
Hindi ko alam. Yumuko nalang ako bigla. Nung makita ko kasi si Daddy, parang mapapaiyak na naman ako.
"Aw, Princess."
Niyakap nalang nila akong dalawa at bumalik na kami sa loob. Sabi ni Daddy, mag-mamall daw kami. Alam niya kasing DYING TO SHOP na kami ni Mommy.
"Daddy, papakilala ko si Angelo sayo. Daanan natin siya mamaya ah?"
"Opcors. Anything for Princess."
....
Pumunta kami ng mall. Namili ng marami. As in MARAMI. Adik kami ni Mommy eh. ^_______^v
Dumaan kami kay Angelo. Kinausap pa nga siya ni Daddy. Ang adik lang din!
Pag-uwi namin, tinanong ko si Daddy.
"Daddy, how long will you be staying here?"
"Uhm .."
"Wait. Lemme gessss. Forever?"
Sabi ni Mommy.
"Isang .. Malaking CHECK!"
"Reaaaalllyyyy?!"
"Yes, Princess. I told them I'd stay here."
And grabeeee! Ang saya ko laaaang! Mag-aalas dies na rin kaya pinagsabihan na nila ako matulog.
Umakyat na ako sa kwarto ko at tinapos ang mga ritwal ko bago humiga ng kama. By ritwal, I mean, naligo-nagsipilyo-nagbihis.
Humiga ako ng naka-tagilid dah gusto kong titigan ang teddy bear na matagal ng nasa akin. Yung binigay ni Angge ng Valentines?
"Anggggeeeee. Ansaya ko ngayon. Umuwi si Daddy, nakilala mo pa siya dabaaaa? Haha. Dapat masaya ka na rin ha?"
Pumikit na ako at hinawakan ang kwintas sa leeg ko.
You'll be in my heart always.
BINABASA MO ANG
Once in a Lifetime Chance
Fiksi RemajaAlways treasure the moment you wake up, the people you meet, the places you go to and the people who love you. 'Cause everyday is a once in a lifetime chance.