♛❤ Chapter 41❤♛
Flashback:
That night was Rexus' 43rd birthday and instead of throwing a big party—he chose to celebrate it with his family at their mansion sharing good dinner and happy stories.
Kararating lang din ng mag-amang Condrado at Laura. Laura immediately ran for a play at the spacioys sala—grabbing Axiel Ross' new talking Barbie.
"Akin na yan, Laura!" Maktol kaagad ng batang si Axiel. Pilit nitong kinuha ang Barbie kay Laura pero itinakbo ito ng bata patungo sa malaking dinner table kung saan nandun ang mga magulang nila.
"Tito, tita! Ax doesn't want me to barrow her toy kahit sandali lang!" Sumbong nito saka lumapit sa papa at mama ni Axiel.
"What? You didn't even say that—" Galit na singhal ni Axiel sa pinsan habang nasa likuran siya nito.
"Baby, let your cousin barrow your toy. You're a good girl, right?" Axiel's dad calmly told her daughter saka walang nagawa si Axiel kundi tumango at bumalik nalang sa sala.
"Wait, baby." Her mommy Nathalie got excited nang may maalala. Tumayo ito at nilapitan ang anak na alam nitong nagtatampo. Of course, who wouldn't? All she thought that was the only special gift. The couple just got back from the an out-of-the-country business trip.
"Baby, I forgot to give you something. Let me go and get it for you, okay?" Excited si Nathalie na kunin ang biniling gift para sa anak na nasa kwarto nilang mag-asawa. She then hurriedly went upstairs.
"G-Good evening po, m-maam.." Debora nervously greeted her. Nginitian ito ni Nathalie saka sinundan ito ng tingin ng katulong na pababa sana ng hagdan.
Nathalie grabbed the door open and found it was locked. Hindi naman niya ini-lock kanina when she was the last one who went downstairs to met his husband's family.
"Debora!" Dagling tawag nito sa katulong na napaiktad sa gulat. Pababa na sana ito nang tawagin ulit ng amo. Kiming bumalik ito.
"P-Po?"
"Pakikuha naman please ng spare key—I think I locked our room kanina. Thank you!" Kaagad namang tumalima ang katulong pero pansin ni Nathalie na may problema ang babae o masama lang 'ata ang pakiramdam. Tatanungin nalang niya ito 'pag kabalik para naman magpahinga nalang siya. She even didn't want her workers be forced to work lalo na kung may iniindang sakit.
Lakad-takbo itong bumalik. "H-Heto po, ma'am.." Sabay abot ng susi sa kamay ng amo.
"Debora, kung masama ang pakiramdam mo—please take your rest. Okay? Namumutla ka, e.. Are you fine?" Nag-aalalang wika ni Nathalie sa katulong na kaagad na umiling-iling. Saka ito mahinang nagpaalam para pumunta sa kusina.
Nang makapasok na si Nathalie sa kwarto ay kaagad nitong nitungo bed side table sa tabi ng queen-sized bed nilang mag-asawa para kunin ang box kung saan lamang ang bagong play house ni Axiel Ross. Pero laking gulat niya sa nadatnan kung sino ang nagtatago sa gilid ng kama nila.
"M-Manang Linda? What are you doing?" She didn't want to presumed things as what her eyes had seen pero parang ganun na nga—hindi maikakaila. Manang Linda were holding her jewelry box at suot pa nito ang emerald necklace na bigay sa kaniya ng asawa. Her most trustful nanny of Axiel Ross!
"M-Ma'am Nathalie.. H-Hindi—ah, naglilinis po ako.." What a great alibi! Ilang beses na rin naman niyang pinalampas ang gan'tong sumbong ng ibang katulong—ilang beses na kasing nawawala ang mga perfume niya at ang ibang mga damit niya. Okay lang naman sa kaniya—kabibili pa nga niya ng pasalubong para rito ng mga mamahaling perfumes.
And now this? Pagnanakawan pa niya ang amo?
"Manang, matagal ko ng alam na ikaw ang kumukuha ng mga missing items dito sa kwarto pero pinalagpas kita. My daughter likes you and she's happy na ikaw ang nanny niya. Pero ito pa rin ba ang gagawin mo?" Nathalie obviously went out of patience—she was kind and understanding but tonight? Naubos iyon! Pati ba naman mgam jewelry niya?
Napayuko ito. Pero hindi nito binitiwan man lang ang box o tanggalin ang emerald necklace na suot.
"Yet I'll give you a chance—one week until you'll get your last salary here. At habang maghahanap kami ng bagong nanny ng anak namin. Hindi rin kita ipapapulis pero 'wag mo na itong uulitin, Manang Linda." See? That was the size of Nathalie's heart—too big..
"M-Ma'am, sorry po! Ma-Maraming salamat po.." Naiiyak na sabi niya sa amo saka isinauli ang box at necklace bago lumabas ng kwarto. Dumiretso kaagad ito sa maid's quarter at hinanap si Debora.
Laking gulat ni Debora sa nagbabagang galit ni Manang Linda sa kaniya. Isang sampal lang tumama sa mukha nito.
"'Di ba sabi ko—magbantay ka sa labas!?" Asik ng babae sa naiyak nasi Debora. Nanggagalaiti sa galit si Linda dahil sa naunsyaming pagnanakaw ng mga bagong alahas ng among si Nathalie.
"N-Natatakot kasi ako.." Impit na sabi ng babae hawak-hawak ang namulang pisngi. Kinutusan pa ito ni Linda.
"Tanga! Bibigyan naman kita 'pag nabinta ko yun, e—ang hirap sa'yo? Boba kang babae ka!" Saka nito sinabunotan ang kawawang katulong. Bago palang sa mansyon si Debora at ilang beses na nitong nahuli ang pagnanakaw ni Linda sa kwarto ng mga amo. Pero nadala ito sa takot at pagbabanta..
"Bukas na bukas din—mag-resign ka dito! Naiintindihan mo!?" Galit na galit na wika ni Linda rito. Sabay kuha sa cellphone na nasa bulsa at doon ni Debora narinig lahat. Matapos ang tawag na yun—pinagbantaan na naman siya ni Linda at pati na rin ang pamilya nito sa probinsya 'pag hindi pa siya magre-resign kinabukasan..
Si Manang Linda?
Axiel:
My heart thrushed widly—as my brain was still digesting every detail that Debora told me today. Ang hirap paniwalaan! Pero tugma ito sa sinabi ng lalakeng witness kanina when he received the call and Debora's lines of what she heard from Manang Linda. She did it..?
Holy mother of f***ing evils!
Tumingin ako kay Yzylla—ganun din ang reaksyon nito sa narinig. Debora kept silent dahil sa natakot ito sa mga pagbabanta! I tightly closed my fist bago nagmamadaling tumayo at lumabas ng kwarto.
I need to eliminate the real monster and she's lurking years in my own f***ing yard!
BINABASA MO ANG
The Bad-tempered Series 5: THE INTRIGUING LOVE
RomanceThis is the fifth and the last series of Ademar Bad-tempered Series..