PROLOGUE

15 1 0
                                    

"ANONG GINAWA MO?! "

Napapiksi ako ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Napatitig na lamang ako sa kanya. Madilim ang anyo, nagtatangis na ngipin, nag-aalab na mga mata at nakatutok sa direksiyon ko ang isang baril, hawak niya ito ng mahigpit. Nanginginig ang kamay niya sa galit.

"Uulitin ko. Anong. Ginawa. Mo?! Putangina sagot! "

Napaluha na lang ako at hindi makapagsalita. Hindi ko naman kasi sinasadya eh, hindi ko alam na bigla na lang susulpot yung mapagpanggap na parang anghel pero demonyo niyang girlfriend sa harapan nung kotse na dina-drive ko.

"D-Di ko s-sinasadya... P-Patawarin mo ako... "

Bigla niyang kinasa yung baril at itinutok uli sa akin. Mas lalong naging matalim ang mga tingin niya.

"Alam mo ba kung anong dapat gawin sa isang tangang katulad mo?! Ha?! Dapat kang pinapatay kasi malas ka! "

Napayuko na lang ako at tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Bakit kailangang maranasan ko ito? Napaigtad ako ng makarinig ng isang putok ng baril kasabay ng pagsigid ng sakit sa kaliwang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa aking mukha, hindi ko na siya kilala. Walang makikitang kahit kaunting konsensya sa pares ng walang emosyong mga mata niya. Sino ka ba talaga, Sefan?

"You fucking almost killed her! Tanga ka! Kung namatay siya ng tuluyan sisiguraduhin kong papatayin naman kita. Tandaan mo yan! I'll make your life a living hell, Avon! "

Hinawakan ko ang kaliwang balikat ko dahil kitang-kita na ang bakas ng umaagos na dugo mula rito. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin at ang mas lalong hindi ko inaasahan ang sunod na gagawin niya.

"Goddamn, stupid! "

Sinampal niya ako sa kanang pisngi gamit ang baril. Sa lakas ng sampal niya ay napatumba ako sa sahig at lasang-lasa ko na ang sarili kong dugo na lumalabas sa putok kong labi. Ang sakit na... Sobrang sakit na... Pero wala ng mas sasakit pa sa kaalamang  halos hindi ko na siya makilala ngayon.

Hinaklit niya ng napakahigpit ang buhok ko at hinila ako patayo. Napasigaw ako dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan nang mariin sa mata.

"You will fucking taste the living hell, Avon. "

Tama na, please...

Muli niya akong sinampal kaya napasalampak na naman ako sa sahig. Parehong putok na ang magkabilang bahagi ng labi ko. Bigla ko namang naramdaman ang pagsipa niya sa tagiliran ko.

Tama na...

"Argh! "

Halos nanghihinang sigaw ko dahil sa sakit na lumukob sa aking katawan. Habol ang hiningang nakahawak ako sa balikat at tagiliran ko. Bigla kong naalala ang itinago kong baril sa may likuran ko kaya dali-dali ko itong binunot sa itinapat sa aking sentido. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa ginawa ko kaya sinipa ko siya palayo sa akin.

"Bakit ko pa hahayaang ikaw ang gumawa kung pwede namang ako diba, Sefan? Ito ang gusto mo diba?! "

Tumingin ako sa kanya ng matalim at dahan-dahang tumayo habang ang isang kamay ay nasa balikat kong may tama ng bala at ang isa ay nakahawak sa baril na mismong nakatutok sa ulo ko. Ikinasa ko ito at muling itinutok sa sintido ko.

Nakita ko ang unti-unting paglambot ng kanyang ekspresyon. Tila natauhan siya sa mga ginawa at sinubukang tawirin ang distansya sa pagitan namin.

"Sige, lumapit ka! Kakalabitin ko ito at hindi ako magdadalawang-isip na gawin yun. "

RAVAGE FLESHWhere stories live. Discover now