A/N:
Read at your own risk. Violence ahead.
In this chapter, you can now read the revised version of the Prologue so you doesn't need to read it again from the start.
———————
———————————NAGLALAKAD-LAKAD ako sa paligid dahil bawal nga akong lumabas sa gate. Ngayon ko lang napag-isipang magpahangin sa labas at sakto naman na wala si Sefan.
Napatigil ako nang makarinig ng mga boses na nag-uusap sa may likod na bahagi ng bahay. Sino kaya yun?
Lumapit pa ako para mapakinggan ang usapan nila. Sumilip ako ng kaunti at nakita ang isang lalaki ngunit nakatalikod sa akin, sa harap nito ay isang pamilyar na babae... si Angel.
"Wala naman si Sefan, kaya tara na. Ako bahala sa iyo marami namang kwarto sa taas. "
"Sige, pero bilisan lang natin. "
Nanlaki ang mata ko nang makitang maghalikan ang dalawa.
She's cheating on him! Kailangan itong malaman ni Sefan.
Bago ako makatalikod ay nagtagpo ang mata namin ng babae. Nanlaki rin ang mga mata niya nang makita ako at mabilis na humiwalay sa lalaki.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa garahe para puntahan sa kompanya nila si Sefan. Kailangan niyang malaman na nagtataksil sa kanya si Angel!
Kinuha ko muna ang susi ng kotse ko sa kwarto. Malapit na sana akong makapasok ng kotse nang may biglang humatak sa buhok ko.
Napasigaw ako at napahawak sa kamay na nasa buhok ko.
"Saan ka pupuntang babae ka?! Don't you dare tell Sefan what you saw a while ago! "
"Sasabihin ko sa kanya! Kailangan niyang malaman ang kademonyohan mo! "
Ganti kong sigaw bago marahas na hinawi kamay niya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang higitin niyang muli ako.
"Hindi ka aalis! "
"Bitawan mo ako! "
Malakas ko siyang itinulak kaya napasalampak siya sa sahig. Mabilis kong binuhay ang makina bago paandarin.
Bago pa man makalayo ay biglang humarang sa harap ng kotse si Angel. Sa bilis ng pangyayari ay huli na ng matapakan ko ang preno. Malakas na kalabog ang nilikha ng pagsalpok ng katawan niya sa kotse ko bago ko nakitang tumalsik ang katawan niya.
"Oh my gosh! "
I-I... I hit her!
Nakatulala lang ako sa harapan at ilang segundo ay may mga lumapit na tauhan para saklolohan siya.
What have I done?
Isinugod siya sa ospital ngunit hindi ko nagawang pumunta dahil sa konsensya. Nakibalita na lamang ako sa kanila.
Stable na raw ito ngunit kailangan pang manatili sa ospital ng ilang araw. Gabi na ngunit iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nakahinga ako roon ng maluwag ngunit nang marinig ang ugong ng isang sasakyan at tumahip sa kaba ang dibdib ko.
"ANONG GINAWA MO?! "
Napapiksi ako ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko. Napatitig na lamang ako sa kanya. Madilim ang anyo, nagtatangis na ngipin, nag-aalab na mga mata at nakatutok sa direksiyon ko ang isang baril, hawak niya ito ng mahigpit. Nanginginig ang kamay niya sa galit.
"Uulitin ko. Anong. Ginawa. Mo?! Putangina sagot! "
Napaluha na lang ako at hindi makapagsalita. Hindi ko naman kasi sinasadya eh, hindi ko alam na bigla na lang susulpot yung mapagpanggap na parang anghel pero demonyo niyang girlfriend sa harapan nung kotse na dina-drive ko.
YOU ARE READING
RAVAGE FLESH
General Fiction© to the owner of the picture also, thanks @unicornqueeeen for making the cover Nostalgia Avon Racalen. The daughter and the heiress of ADF Racalen Corporation. Typical life that she grown up, contented on what she have. Kind (not that much), beauti...