Chapter 2

7 1 0
                                    

Nagulat ako ng bigla na namang mag-ring ang phone ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako doon hanggang natapos ang tawag kanina. Agad ko namang pinindot ang answer button.

"H-Hello, hon? " Nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa phone ko.

["Hon, why aren't you answering my call? Are you busy? "]

"A-Ah... Hindi naman. Kinausap kasi ako ni Dad kanina kaya di ko nasagot. I'm sorry, hon. ''

I'm sorry for lying...

["It's okay. How are you? "]

"A-Ah... Okay naman. Ikaw? "

Hindi. Hindi ako okay, kailangan kita.

["Not really, I want to see you, now. I miss you already, hon. "]

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kung sana kaya ko lang sumuway kay Papá ng walang masasaktan gagawin ko eh. Siya ang gusto kong pakasalan, tanging siya lang. Naplano na namin lahat ng kinabukasan namin kasama ang isa't isa. Parang hindi ko kakayaning makipaghiwalay sa kanya at hindi ko kayang ikasal sa taong di ko mahal.

"I miss you,too. I'll go to your place, just wait me there. Magpapaalam lang ako kay P-Papá. "

["I'll wait you, hon. I love you. "]

"I love you, too. ''

Pagkatapos ay pinutol ko na ang tawag at nagpalit ng suot. Naglakad na ako papunta sa opisina ni Papá para magpaalam. Tatlong beses muna akong kumatok bago binuksan ang pinto. Agad naman napatutok sa akin ang tingin niya, marahil ay hindi naman siya nagpatawag pero may pumunta sa opisina niya rito sa mansyon.

"What is it? "

Pinagsiklop ko ang aking mga palad at tumungo. Kinakabahan ako, baka kasi hindi niya ako payagan.

"A-Ahm... Papá, can I go to Aleyor's place? Don't worry we will just— "

"Go on. But remember to dump him after three days. Sulitin mo ang lahat ng nalalagi niyong oras na magkasama dahil pagkatapos nun ay di ko na kayo papayagang magkita at magkaroon pa ng komunikasyon. I know you, if you are planning to escape, just make sure I'll never find you because you know what I can do. Pack your things, I allow you to stay at his place but after three days that you didn't come back here, I'll kill him. Is it clear, Avon? "

''Y-Yes, Papá. Thank you for allowing me, I'll leave now. "

Dali-dali akong naglakad pabalik sa kwarto ko at nag-impake. Ang dapat na pagpunta ko lang ay nauwi sa pagtira doon ng ilang araw. Naligo muna ako bago naglagay ng mga isusuot ko sa loob ng tatlong araw. I am wearing now a black tank top, a black denim shorts, black converse shoes and my hair is on a ponytail. Malakas akong napabuntong-hininga pagkatapos kong maisara ang zipper ng backpack ko. Mabilis na sinakbat ko iyon at lumabas na sa kwarto ko. Pumanhik na ako pababa ng hagdan pagkatapos damputin ang susi ng Simple Black Civic ko. Naglakad na naman ako papunta sa garahe pero napansin kong walang sumusunod sa akin ngayon. Must be snipers are scattered around the area.

Binuksan ko na ang pinto at pabagsak na ibinato ang backpack ko sa back seat. Umupo naman ako sa driver seat at sinuot ang seatbelt bago pinaandar ang sasakyan. I decided to play a music from the stereo and one of 5 Seconds Of Summer's song played, it's 'Amnesia' .

I drove by all the places we used to hang out getting wasted
I thought about our last kiss, how it felt the way you tasted
And even though your friends tell me you're doing fine

Tina-tap ko pa yung mga daliri ko sa manibela at sumasabay sa kanta nila. Isa kasi ito sa mga kantang paborito ko ng 5 Seconds Of Summer. Ang ganda ganda kasi ng mga tono tapos ang galing ng mga arrangements at lyrics.

RAVAGE FLESHWhere stories live. Discover now