Grace's POV
*flashback*
"Ok baby makinig ka kay mama ah. ito ang mga dapat mong tandaan. Una syempre dapat mag enjoy ka lang habang nag pe-paint ka. Pangalawa, dapat focus ka sa ginagawa mo, wag mong pansinin ang gawa ng mga kalaban mo. At pangatlo, ang importante sa lahat, ano man ang maging resulta ng competition na ito, wag na wag na wag kang malulungkot, dapat happy ka lang lagi.""Kahit matalo ako mama?"
Napangiti naman sya sa tinanong ko "ok lang naman ang matalo. Ganito, kapag pinili mong maging masaya kahit na natalo ka, panalo ka parin. mararamdaman mo naman na natalo ka kapag pinili mong maging malungkot."
"Ehh.. hindi ko maintindihan mama" reklamo ko naman
"Maiintindihan mo rin yan paglaki mo. Sige na umakyat kana doon sa stage, at saka mo i paint yung unang picture na pumasok sa isip mo kapag binanggit na nung emcee yung theme na dapat nyong e paint. Wag kang kakabahan, tandaan mo lang lahat ng bilin ko sayo ah. Nandito lang kami ng papa mo para e cheer ka" saka sya tumalikod para tignan saglit si papa at saka ulit sya tumingin sakin at binigyan nila ako ng magandang ngiti.
*end of flashback*Yan yung conversation namin ni mama noong 7 years old palang ako at first time kong sumali ng painting competition.
Aaminin ko, noong panahong yon wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi nya.
Pero sobrang naiintindihan ko na sya ngayon.
Yung tatlong bilin nya sakin? Maniwala kayo every competition pinipilit ko talagang sundin ang mga yon.
Kaya lang this past few months nahihirapan talaga akong sundin ang mga yon.
At ngayon ang perpektong araw para maintindihin nyo ang dahilan kung bakit.
Dahil ngayon araw gaganapin ang first part ng regional painting competition ng bawat school
Representing my school of course Union University
Emcee: " 'The time of your life' wow interesting theme. I'm so excited, and I'm sure excited din kayo kung ano-ano ang maaaring e paint ng ating mga students or should i say artists sa theme na ito"
Time of your life? Ang hirap naman ng theme na yan.
Mukhang mahihirapan ako nito sa pagiisip kung ano ang pwede kong e paint base sa theme
Bigla naman kaming nagkatinginan ni MC pero bigla nya din ako inirapan
kalaban ko nanaman sya sa competition na ito.
Actually sya ang pinaka matindi kong karibal simula pa bata kami.
Magaling syang artist.
Pero syempre mas magaling ako.
Sobrang proud nga ng school ko sa akin dahil laging first place ang nakukuha ko every school competition.
Tapos laging namang second place ang nakukuha ni MC.
Pero i wont let my guard down.
Alam kong isang pagkakamali ko lang, mawalan lang ako saglit ng focus sa pag pe-paint alam kong masusungkit ni MC ang first place sa competition nato.
Ayoko namang yung last 2 competition ko sa school ko eh hindi pa ako manalo.
Grade 12 na kasi ako ngayon.
So ilang buwan nalang college na ako.
Emcee: "ok artist, you have 5 hours para tapusin ang mga obra nyo and then after that pipili ang ating mga judges ng top 5 schools na pasok at mag po-proceed sa second part ng competition. Lilinawin lang po namin ah, ang second part ng competition ay gaganapin on February 10, eksantong 7 days ang paggitan mula sa araw na ito. But right now best of luck sa ating mga artist, paint brush up, and your 5 hours timer start now!"
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...