Angel's POV
Zon's mind: "Gra-gracia.. sorry ah. Mukhang hindi na kita ma po protektahan hanggang sa huli. Mukha kasing ma-malapit na kong mamatay."
Ano bang ibig nyang sabihin?!
Grace's POV
"Grace anak sigurado kabang ayos kana?" Tanong sakin ni papa.
"Opo pa."
Oo, kasama ko na si papa.
Nakasandal kami ngayon sa likod ng isang police car malapit sa abandonadong bahay kung saan kami naroon kanina.
Pagkatapos kasing magsidatingan ang mga pulis kanina sunod namang dumating ang mga magulang naming lahat.
Sina jazz at MC tanaw ko ngayon sa aking kaliwa at kasama narin ang mga magulang nila.
Narito rin pala si Arren at maam mendoza at kausap ngayon sila ni MC.
Si tiffany at ang kanyang magulang ay sumama sa ambulansya para idala si bryan sa hospital.
Si lann naman at yung tatlong lalaking kasama nya ay dinala na sa police station.
"Mabuti naman at walang nangyaring masama sayo." Sabi ni papa sabay ngiti sakin pero nakikita ko medyo maluha luha sya
"Ok na ako pa. Wag na kayong umiyak"
"Akala ko kasi mawawa ka rin sakin eh. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala. Nawala na nga ang mama mo tapos muntik ka pang mawala sakin"
Oo nga pala. Hindi pa pala alam ni papa na si lann ang nagpapatay kay mama.
"Uhmm pa.?"
"Ba—bakit anak?" At saka na nya pinunasan ang mga luha nya.
"Si lann... at yung papa nya.. sila yung nagpapatay kay mama" bigla namang nanlaki ang mga mata ni papa sa sinabi ko.
"Si-sila? Pero pano?"
"Sinabi mismo ni lann sakin pa. Kanina noong nanduon kami sa loob."
"Si— sinabi nya ba ang dahilan kung bakit?"
"Hmm.." napatingin naman kay jazz ngayon "ang— ang sabi nya dahil pakielamera daw si mama."
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang lahat.
Bakit tinawag nyang pakielamera si mama.
Pero isa lang ang makakasagot ng tanong ko.
Si jazz.
"Si.. si jazz pa, yung kaybigan ko, sa tingin ko alam nya kung bakit. Pinatay din kasi yung papa nya sa parehong dahilan daw sabi ni lann"
"Si-sino dyan ang yung kaibigan mo?"
Hindi ako sumagot pero hinawakan ko sa kamay si papa at naglakad kami papunta kina jazz.
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...