17.

29 4 0
                                    

Grace's POV

"Hahahaha bwena manong bwena mano ah" tawa ni papa.

Nandito na kami ngayon sa kusina at nag aalmusal na kasama si macoy at tita ai.

Tumatawa si papa dahil ginising nanaman ako ni macoy.

Binuksan nya kasi ang bagong stereong binili ni papa kagabi.

Pareho ng model ng dating stereo ni mama.

Hindi ko na napansin na may bago na palang stereo sa sala dahil ginabi narin ako ng uwi at naka patay na mga ilaw ng buong bahay.

Hay...

Magsisimula nanaman si macoy nito.

*click*

🎵
And can you feel the love tonight? (Tonight)
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best
🎶

"Macoy mamaya na yan" suway ko.

Hawak parin kasi ni macoy ang remote ng stereo habang kumakain kami.

Macoy: "ate shar! Shar!"

Papa: "pabayaan mo na si macoy. Ang tagal na nyang hindi naririnig ang mga music ng mama mo eh. Na miss nya lang siguro."

Hay....

Kung sabagay.

Na miss ko din naman ang mga music ni mama.

Isang buwan na rin ata ang nakakalipas simula noong masira ang stereo.

"Ok ganito nalang macoy. Wag mo nalang masyadong pag laruan ang remote at baka masira mo nanaman ang stereo. Sige ka wala ka nanaman music nyan"

Tumango tango naman si macoy at saka na sya bumalik sa pagkain.

Hayst batang to talaga.

🎵
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best
🎶


*flashback*
Zon: "Sa mga sandali kasing ito..... gusto kitang halikan"
*end of flashback*

>_<

*iling ng ulo*

Bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi ni zon kanina sa dream world

Hmmm...

Halikan?

Gusto nya akong halikan?

Sinabi nya ba talaga yun?

Hindi naman siguro.

Baka namali lang ako ng dinig.

Hindi naman sasabihin ni zon yun eh.

Papa: "anak!"

"Pa?"

"Ano ba binu bulong bulong mo dyan?"

"Yung paghalik ni zo-"

O_O

What the!!!

"Anong paghalik! Hinalikan kana ni lann?"

Waahh!!

"Pa hindi! Ano ba!"

"Eh anong pag halik halik sinasabi mo!"

In My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon