Someone's POV
"Abi ang tagal ko nang nanliligaw sayo, hindi mo pa ba ako sasagutin?" Tanong sakin ng manliligaw ko.
"Hmm.. tignan natin. Kapag nag enjoy ako sa date natin ngayon baka sagutin kita" sabi ko naman.
Napangiti naman sya sa sinabi ko at saka na nya binuksan ang pinto.
Hmm gentlemen.
Nasa tapat kasi kami ng pinto ng isang fancy restaurant. dito nya kasi ako piniling e date.
Hmmm mayaman
"Sandali lang aalalayan kita"
Uupo na sana ako pero bigla nyang hinila ang silya at inalalayan akong umupo.
Mukhang ito ang perfect guy for me.
"Ano gusto mong order?" Tanong nya.
"Hmm ikaw na ang bahala"
"Ok. Sabi nila masarap daw ang pasta dito. Tikman natin ah"
"Sige"
Napangiti naman sya at saka sya lumingon lingon na parang naghahanap ng waiter.
Nang meron na syang nakita tinawag nya ito.
"Waiter.....uhmmm waiter.... waiter!"
Hindi ata sya naririnig ng waiter kaya medyo nilakasan nya ang boses nya na nakapukaw ng atensyon naman sa ibang kumakain dito.
"Yes sir may i take your order"
"Uhm yes-"
"Leo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang babaeng maganda.
Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa tabi ko.
Teke sino ba to?
Napatingin naman ako kay leo at mukhang pinagpapawisan na sya ngayon.
"Oh lea uhmm sa-sa labas na tayo mag-usap"
"Ahh? Anong sa labas teka? Sino ang babaeng to?"
O_O
Wtf? Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?
Bakit ganyan makaasta?
"Lea wala, tara sa labas na tayo mag usap"
Ano daw wala?
Wala lang ako?
"Hoy anong wala? Itong babaeng to sino ba to?"
Sumagot naman ang babae sa tanong ko
"Ako ang girlfriend ni leo! Ikaw sino ka ah?"
O_O
What the!
"Girlfriend mo to?"
Ugh!!
*PAK*
Sinampal ko sya sa mukha!
"Manloloko!"
Hinarap ko naman ngayon ang babaeng girlfriend nya daw "nililigawan ako ng lalaking to! Pinagloloko nya tayo!"
"What? Is that true leo?"
"Lea let me expla-"
*PAK*
Sinampal din sya ni lea
"Manloloko ka!"
Ugh!
Gwapo nga sya.
Mayaman.
Gentelman.
Pero babaero naman pala!
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...