32.

24 2 16
                                    

Arren's POV

"2,934 minimum visits per day. If you do the math kahit na ma acquire nyo ang 3,334 visits araw-araw sa last week nato hindi kayo aabot sa 100,000 visits per month na pinag usapan natin" paliwanag ni sir sotto.

Nandito kami ngayon ni maam mendoza sa office ni sir dahil pinatawag nya kami.

Last week na ng pasukan ngayon.

At hanggang sa huli hindi namin na acquire ang 3,334 visits per day namin.

Ibig sabihin... wala ng pag asa

Ma di dissolve na ang club namin.

"Uhmm sir tanggap naman na po namin. Simula palang noong una alam na naming imposible ng masalba ang club namin. Pero nagpapasalamat parin po kami dahil binigyan nyo pa kami ng mga ilang buwan para manatili ang club"

Maam: "salamat din sir dahil kung hindi nyo kami binigyan ng pagkakataon. Hindi ko makikilala ang mga talented na mga batang ito. Kahit na hindi ako marunong sa art, thankful ako kasi naging parte ako ng art club."

Nagkatinginan naman kami ni maam at saka kami ngumiti sa isat-isa.

Handa na ako.

At alam kong handa na rin si maam.

Alam na namin ang sasabihin ni sir kaya nya kami pinatawag dito eh.

Maam: "sir ok na kami. Handa na kaming marinig ang sasabihin nyo"

Sir sotto: "Ganun ba. Kung ganon... hindi ko na e didissolve ang art club"

O_O

"A-ano po?"

Sir sotto: "hindi ko na e didissolve ang art club nyo!"

Maam: "sir siryoso sir?"

Sir: "oo nga hindi na"

Gulat kaming nagkatinginan ni maam at.

"Whaaaaa!" Napasigaw kami sa sobrang saya

Hahahah

Hindi na ma di dissolve ang club!

Maam: "Pero bakit sir? Anong dahilan bakit nag bago ang isip nyo? Hindi namin na acquire ang pinagusapan nating visits sir ah"

Ugh! Bakit paba tinatanong ni maam yun.

Ang importante naman na salba na ang club eh.

Binigyan ko naman ng tingin si maam na parang sinasabi kong 'maam naman eh. Baka magbago pa isip ni sir nyan'

Pero nginitian lang nya ako.

Sir: "Well just like you said. Talented ang mga members ng art club nyo. At nakita ko yun nang ibigay mo sakin ang painting ng anak ko." Bigla namang lumungkot ang mukha ni sir pero pinipilit nya paring ngumiti "Ang mga artist mo. May kakayahan silang buhayin ang mga obra nila. Sa painting na yun, parang buhay parin si cassie at kasama parin namin sya. At saka sayang naman ang kanilang talento kung hindi nila iyong magagamit, kahit hindi nyo na acquire ang visits na pinagusapan natin, i'm sure na man na ma aaccquire nyo na yun sa mga susunod na buwan. Baka nga malampasan nyo pa eh. May tiwala ako sa inyo." Sabi naman ni sir.

Maam: "Salamat po sir. Hindi po kayo mag sisisi na hindi nyo dinissolve ang club namin"

Sir: "Aba sana nga hahaha I'm expecting more good artwork na sa inyo mula ngayon. Kaya wag nyo akong bibiguin ah!" Tapos binigyan nya kami ng magandang ngiti.

"Yes sir"

Maam: "opo sir"

Magandang balita to para samin!

In My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon