Zon's POV
*flashback*
Ako: "Gracia... alam mo ba? Ikaw ang pinaka magandang panaginip ko. Goodnight.... and Sweet dreams"At nagsimula nang mawala si gracia sa dream world.
Champion na siguro yun.
Nakapag paalam na ako ng mabuti kay gracia.
Tatanggapin ko ng maluwag sa loob ko ang pag alis ko.
*clang!*
*clang!*
*clang!*
Nandito na ako ngayon sa baseball field at sinusubukan kong maglaro pa saglit ng baseball bago manlang alisin ang life support ng katawan ko sa real world.
Problem.
Hindi na pala ako makakapag paalam kina angel, demon, han at Snowflakes.
Mauuna kasi akong aalis bago sila dumating hahahah.
Well maiintindihan naman nila siguro ako.
*clang!*
*clang!*
*clang!*
Sa huling hit ko bola bigla na lamang akong may narinig na nagsalita mula sa likuran ko.
"Homerun ah!"
O_O
Ki-kilala ko ang boses na yun!
"Mukhang kailangan ko ng rematch ulit sayo"
"Ang cute mo parin pala"
"Nakatalikod pa sya ahh cute agad?"
"Di na nag bago! Baseball parin ng baseball"
Mas lalo naman nanlaki ang mata ko at napabitaw ako sa aking baseball bat nang makarinig ako ng apat pang boses sa likuran ko!
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko mula sa aking alikuran ang anim na taong kilalang kilala ko!
Shai, Lindsay, Gelo, Lancell, Si Ate at Maam Lourdes!
Ang anim na naging dreamer ko!
"Pa- panong-"
Hindi ako makapag salita sa sobrang gulat.
Bakit nandito silang lahat?
Sabay-sabay naman silang lumapit sakin at saka nila akong lahat nginitian.
Lindsay: "wala bang yakap dyan?" Sabay open arms nya sa harap ko.
Ugh!
Na miss ko sila!
Kaagad naman ako lumapit kay Lindsay at saka ko sya niyakap ng mahigpit. Sya nga pala ang 2 dreamer ko.
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...