41.

40 3 2
                                    

Grace's POV

"Anak nandito kana pala" sabi sakin ni papa.

Kakadating ko lang ngayon sa bahay galing baguio.

Hindi ko na napansin si papa na nasa sala pala nag kakape.

Diretso lang kasi ang tingin ko.

"Uhmm oo pa. Pasensya na pa ginabi ako"

"Hmm ok lang anak nagpaalam ka naman. Oh nakita mo ba yung kaybigan mo?"

Tsk.

Hindi ko nakita.

Iba ang nakita ko.

"Uhmm O-oo pa. Sige pa pasok nako sa kwarto, pagod na po ako eh"

"Teka hindi kaba muna kakain?"

"Ku-kumain na ako pa.. kanina bago ako umuwi" at saka nako naglakad papuntang kwarto.

Kung hindi ko iiwanan si papa marami pa syang tanong sakin.

Actually hindi pa pala ako kumain.

Wala akong ganang kumain eh.

Dahil sa nalaman ko kanina.

Hay..

Pagkadating ko sa kwarto kaagad na akong nag bihis at saka na ako humiga sa kama.


*flashback*

Nandito na ako ngayon sa Oshea general hospital sa baguio city.

Ang laki pala ng hospital na ito.

Hmm.

Kaagad naman akong lumapit sa receptionists doon at saka ako nagtanong.

"Miss may pasyente po ba dito na Zon Mendoza Abalos?" Tanong ko.

"Sandali lang miss ah" at saka sya nag search sa computer sa harap nya. "Uhmm miss dyan lang sa kaliwa pangatlong pinto room 3" sabay turo sa kaliwa ko

"Ahh sige sa-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nag salita ulit sya.

"Ayun miss dun sa may pumasok na doctor. Dun ang room nya"

Napatingin ulit ako sa kaliwa at nakita kong may isang doctor na pumasok sa pangatlong room.

"Sige miss salamat" sabi ko naman at saka na ako pumunta sa room 3

*inhale - exhale*

Woohh.

Makikita ko na si zon at ang mga magulang nya.

Ok.. kalma grace.

Dahan dahan ko naman binuksan ang pinto at napasilip ako sa loob.

Sa bandang kaliwa mayroon tatlong tao na naguusap.

Yung doctor.

Pasyente na babae at isang lalake.

Sa tingin ko mag asawa yung dalawa.

Hmm sila kaya yung parents ni zon?

Napatingin naman ako sa paligid at hindi ko makita si zon doon.

Siguro nasa bandang kanan sya.

Babae: "Sabi ko na sayo mahal eh"

Doctor: "Ok sige by tomorrow pwede kana e discharge. Sa tingin ko magiging tuloy tuloy na ang pag galing mo. Basta wag ka lang magpapakapagod ah!"

Babae: "Oo Andrew, wag na kayong mag alala"

Andrew? So kakilala pala nila yung doctor

In My Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon