Grace's POV
Hindi..
Hindi... hindi... hindi....
Si zon!
Kaagad akong bumangon sa aking pagkakahiga at saka kaagad ako nag bihis.
Nag alsabalutan din ako ng aking mga gamit at konting damit sa aking bag.
Kailangan kong makita si zon!
Pupunta ulit ako ng baguio!
*tak!*
*tak!*
*sniff*
Habang nag aayos ay napansin ko na may pumatak na tubig sa bag ko.
Napahawak ako sa aking pisngi at hanggang ngayon pala umiiyak pa ako.
Ugh!
Pinunasan ko naman ang aking mga hula at saka ko nalang binilisan ang kilos ko.
Dahan dahan akong lumabas ng bahay at pagkalabas ko tumakbo naman ako papunta sa kanto namin para mag hintay ng taxi na dadaan.
Nang may nakita akong taxi pinara ko naman ito agad at saka ako nagpadala sa terminal ng mga bus.
15 mins lang biniyahe namin bago kami makadating doon.
Konti lang kasi ang mga sasakyan sa kalsada kaya walang traffic at kaagad kaming nakarating sa terminal.
Pagbaba ko ng taxi agad naman akong tumakbo sa isang bus na papunta sa baguio at saka ko iyon kinatok.
Nakasara kasi yung pintuan ng bus eh.
"Manong! Manong!" Sigaw ko habang patuloy parin akong kumakatok ng bus.
"Miss ano yun?" Napatikod naman ako nang may narinig akong isang boses.
"Ayaw po akong pag buksan ng driver!" Sabi ko
"Wala pang driver dyan. Alas tres palang ng madaling araw. Alas quatro ang unang biyahe nyan miss."
Huh!
So.
Isang oras pa akong mag hihintay?
After 45 mins.
"Oh Baguio! Baguio!" Sigaw ng kundoktor.
Kaagad naman ako lumapit at saka na ako kaagad sumakay sa bus.
Umupo ako sa bandang harapan malapit sa pinto para mamaya kaagad narin akong makababa.
"Iha may nakaupo ba riyan?" Tanong sakin ng isang matandang babae na siguro nasa eded 60 pataas na at may dala dala syang bayong.
"Wala po lola dito napo kayo" sabi ko naman
"Hay salamat iha, mas madali akong makakababa dine" at saka naman dahan dahan na umupo sa tabi ko si lola.
Ilang saglit pa nagsi sakayan narin ang mga ibang pasahero at mabilis namang napuno ang loob ng bus kaya kaagad nadin kaming umalis at bumiyahe na.
Habang nasa biyahe kami napansin ko naman na panay ang sulyap sa akin ni lola.
"Iha ayus ka lamang ba?" Tanong ni lola
"po?"
"Kasi napansin ko namamaga yang mga mata mo. Mukhang galing ka sa iyak"
Pinilit ko namang ngumiti sa harap ni lola.
"Uhmm o-ok lang po ako lola"
Tinignan naman ako ni lola na parang sinasabi nyan 'hindi ako naniniwala'
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...