Demon's POV
Hihihihi....
Hi! Ako nga pala si demon.
At nandito ako ngayon para mag share ng sikreto sa inyo.
Malalaman nyo na ang dahilan kung bakit gustong gusto kong pahirapan si angel.
Well sarili ko nga pala pinahihirapan ko.
Eh kasi naman wala pa akong nag succeed na evil plan sa kanya.
Lahat puro fail.
Anyways.
Bago ko sabihin ang sikreto ko eto muna ang mga ilan sa mga evil plan na ginawa ko sa kanya.
E-plan 1
Hihihi... hihihi.
Sa wakas nakalabas na ulit ako.
Nandito ako ngayon sa baba ng lupa ng balance place at nakikita ko si Zon, si Angel at isang babaeng hindi ko kilala.
Hmm..
Malamang pinalabas rin ni zon si angel.
Yari ka ngayon sakin.
Kinalkal ko naman ang aking evil pocket at hinanap ko ang aking granada.
Hihihi ayus to. Lalagyan ko ng granada ang paa nya.
Naghanap narin ako ng tali para hindi maalis ang granadang ilalagay ko kay angel.
Dahan dahan naman akong lumangoy sa lupa at saka ako pumwesto sa paanan ni angel.
Tagal na naming hindi nagkita nito ah.. pero maganda parin sya.
Ahem...
Evil plan ko nga pala gagawin ko na!
Dahan dahan din akong lumabas sa lupa at itatali ko na sana ang granada sa paa ni angel nang-
*BOG!*
Aray ko!! Tinapakan nya ang ulo ko.
"Hindi mo talaga ako titigilan ah!!" Sigaw ni angel
*BOG!*
*BOG!*
*BOG!*
Aray!
Aray!
Aray!
Pinagtatadyan nya ang ulo ko.
Wala talaga syang awa pagdating sakin!
-Evil Plan Failed-
E-plan 2
Sinabi ko kay Zon na aasarin ko si angel para lumayo sya kay grace.
May kasalanan kasi si Zon kay grace kaya ang gusto ko kausapin ni Zon si grace para magkaayos naman sila.
Binigay ko muna si Snowflakes kay zon at saka ako lumipad papuntang barko.
Actually hindi ko lang aasarin si angel. Evil plan ang gagawin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
In My Dreams (Completed)
FantasyGrace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa kanya kung paano mag pinta, at iyon ang kanyang ina. Sa pagtungtong nya ng kolehiyo, ninais muli ni...