Facts about Heaven's Warriors Series:
Saan ko ba nakuha ang inspirasyon para isulat at mabuo ang Series na ito?
On the video above.
Yes. Shout out to all the PH BTS ARMY! These 7-Book Fantasy Series was inspired by BTS. And personally, I love the concept of Angels-Human falling in love with each other. May nagawa na rin akong Trilogy about Angels, iyong The Messengers Trilogy (I already uploaded Book 1 here on Wattpad). Basically, iyong 3 bidang anghel doon, sila ang Tatay ng apat na Heroes natin dito sa series na ito. And yeah, I wrote these stories because of my love through BTS.
Let me tell you something important to me. Me, as a Writer. Importante sa akin na maging flexible. Meaning, I just don't want to write and stick with one genre. I want to step out of the "rom-com" thing and expand my knowledge and imagination on different kind of stories. Sa mga nakabasa na ng RAPID, maybe iyong mga nakabasa na ng Tanangco Boys at Car Wash Boys, ay nagulat dahil so far, RAPID is my first adult and erotic (for me) story that I ever wrote (and may mga susunod pa sa Rapid, don't worry!).
My point is, I want to show you that I can and will offer you stories from different genres. And through the depth of these stories, I hope I am able to show you who really Juris Angela is. And I hope and pray that my stories will not just entertain you, but may it gives relief from stress of life, hope and inspiration. Just like what BTS is doing in my life.
And may this series, the Heaven's Warriors, may bring you closer to God and may it open your heart that our God is powerful, mighty and He is the God of Impossible. All it takes is just a strong FAITH.
Lastly, next update will be on FRIDAY. Happy Reading everyone.
~JA💜
*****************************************************************
NAPAHAWAK si Justin sa kanyang dibdib, matapos biglang manikip iyon. Pakiramdam niya ay tila may sumasakal sa kanya, mula sa loob ng kanyang katawan, parang ano man oras ay may kung anong kapangyarihan ang lalabas. Mariin siyang napahawak sa desk habang pilit na tumatayo. Mariin siyang napapikit, habang mahigpit ang pagkakahawak sa dibdib niya ng lalong sumigid ang sakit na nararamdaman, nang tila hindi nakayanan ay napasigaw siya ng malakas. Hanggang sa tuluyan na siyang napahiga sa sahig.
Binuka ni Justin ang bibig para makasagap ng hangin ngunit tila walang epekto iyon. Nagsimulang mabalot ng takot ang kanyang puso. Anim na buwan matapos ang kanyang twenty-fourth birthday, nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan. Naging madalas ang paninikip ng dibdib niya. May mga pagkakataon na labis siyang nakakaramdam ng panghihina, na para bang milya-milya ang tinakbo at nauubos ang lakas niya. Minsan na siyang nagpa-check up sa doctor, pero walang makitang problema sa kanya ang mga ito.
Sa paglipas ng bawat segundo, mas lalo siyang nahihirapan huminga. Parang pinipiga ang kanyang dibdib, pakiramdam ni Justin ay malalagutan siya ng hininga ano man oras. Napahawak ang isang kamay niya sa lalamunan, habang ang isa ay tinaas niya sa ere. Muli siyang napapikit at tinawag ang ama sa kanyang isipan.
"Ama, tulungan n'yo po ako,"
Napaliyad siya at biglang napadilat, kasunod ng pag-init ng kanyang mga mata. Mula doon ay lumabas ang isang kulay puting ilaw, at isang pangitain ang sumunod niyang nakita.
Natagpuan ni Justin ang sarili sa isang lugar kung saan tila walang hanggan ang ulap na kanyang nakikita. Sa harapan niya ay may isang malaking pinto na tila
YOU ARE READING
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, bea...