"OKAY KA na ba?" tanong ni Jean kay Bea.
"Yeah, nailabas ko na sama ng loob ko. Iniyak ko na," sagot niya.
Napalingon siya sa kaibigan ng bumuntong-hininga ito.
"Dixie is really a bitch, napakalaki ng inggit sa'yo ng babaeng iyon!"
"Siguro naman magtatanda na siya sa mga ginawa ko," sabi ni Bea.
Napapitlag siya ng biglang hatawin ni Jean ng malakas ang ibabaw ng mesa.
"Pero girl! Ang galing mo doon! Award winning ang ginawa mo! Grabe! Hindi ako makapaniwala, the prim and proper Beata Frances," tumatawang sabi pa nito.
"Lahat ng tao, nauubusan ng pasensiya, at hindi ako exempted doon," sagot niya.
"Alam mo ba? Pag-alis mo, parang nag-bounce back kay Dixie 'yong pamamahiya na ginawa niya sa'yo. Siya ang pinag-usapan ng mga tao pagkatapos mong sabihin ang totoo. And from what I heard, may mga business partners and investors siya na naroon din sa party. Ngayon, sobrang nadismaya sa kanya, kaya 'yong iba binawi ang investments nila, pati 'yong ibang business partners niya. Ang balita ko, problemado ngayon si Dixie."
Sa kabila ng mga ginawa sa kanya ni Dixie, nakaramdam pa rin siya ng awa dito.
"Hindi ko intensiyon na umabot sa ganoon. I just burst out my anger, iyon lang," sagot niya.
"Ay naku, girl. Don't tell me, nagi-guilty ka? Wala kang kasalanan, okay? That's what she gets for doing bad things to you."
"Alam ko naman 'yon, wala lang, naaawa lang ako sa kanya."
"Naku tigilan mo nga iyan. Ang isipin mo ngayon, anong gagawin mo para mawala sa image mo 'yong masamang tingin sa'yo ng mga tao?"
"Wala! Wala naman akong pakialam sa mga iniisip nila sa akin. Alam ko naman ang totoo," sabi niya.
"Oo nga, nandoon na tayo. But we both know, in business, hindi puwede ang ganyan katwiran. You must do something. Noong pumutok ang balita tungkol sa relasyon n'yo ni Dennis at kumalat ang video na kuha ni impaktang Dixie. Malaki ang nawala sa business mo. Ngayon na lumabas na ang totoo, many of your former investors are there at the party. Don't you think it's time to get back what you once lost?"
Napakunot-noo siya.
"What do you mean?"
"Bawiin mo ang mga investors na napunta kay Dixie. Ikaw na mismo ang nakadiskubre na kaya niya kinalat ang video na iyon ay para bumagsak ang business mo. Life motto na yata niya na agawin ang lahat ng mayroon ka. Anyway, para bumalik ang tiwala ng mga investors mo. You should start with your lovelife, kailangan makita nila na happy and moved on ka na sa mga nangyari. Remember 'yong plano mo na i-expand ang Silhouette? Now is the time! Kapag nakita nila na gumagawa ka ng malaking step despite what happened, hahangaan nila ang determination mo," ani Jean.
"Paano?"
"Have a new man in your life."
"What? No way, I'm not yet ready," mabilis na tanggi niya.
"Look, hindi mo naman kailangan seryosohin. Just go on decent dates, ganoon lang. And you'll never know when you're ready unless you try it."
"Kailangan ba talaga ganoon?"
"May iba ka bang naisip na paraan?"
Hindi agad siya nakasagot. "Wala."
YOU ARE READING
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, bea...