NAGSALUBONG ang kilay ni Bea ng sabihin ni Aileen, ang sekretarya niya na nasa kabilang linya kung sino ang dumating para kausapin siya.
"Ano daw ang kailangan niya?" pormal ang boses na tanong niya.
"Ayaw pong sabihin eh. Ma'am, galit na galit po," sabi ni Aileen.
"Ako na ang lalabas," sagot niya saka agad na tumayo at lumabas ng pribadong opisina niya.
Agad nakita ni Bea ang galit na galit na si Dixie.
"Anong ginagawa mo dito?" pormal ang boses na tanong niya.
"What the hell did you do?!" sigaw nito sa kanya.
Humalukipkip si Bea at tinaasan lang ito ng kilay.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," sagot niya.
"Huwag kang magmaang-maangan, Bea! Alam kong sinadya mong sulutin ang mga investors ko!"
"Dahan-dahan ka ng pagbibintang sa akin, baka nakakalimutan mo nandito ka sa opisina ko!"
"I don't care! Kahit kailan talaga, nasa loob ang kulo mo!"
"Wala akong investors na sinulot sa'yo, Dixie. Oo, nagpasa ako sa kanila ng proposal at nakipag-meeting ako sa kanila! Pero kung hindi nila gusto ang proposal ko at hindi sila nagkaroon ng interes doon, hindi nila tatanggapin iyon. Hindi kami magkakaroon ng closed deal! Dalawang taon akong naglie-low sa business world, dahil na rin sa kagagawan mo! Mahaba na 'yon, Dixie! Anong ginagawa mo noong mga panahon na iyon?! Bakit hindi mo nagawang i-close ang deal ninyo ng mga investors?! Nagkataon lang na naging mabilis ang transactions namin. Hindi ko na kasalanan kung nag-back out sila sa'yo!"
"Diyan ka magaling, Bea! Ang mang-agaw! Inagaw mo na nga ang asawa ng iba! Pati mga plano ko susulutin mo rin!"
Nagpanting ang tenga ni Bea at agad na dumapo ang malakas na sampal sa pisngi nito.
"Ikaw ang nang-agaw! From the very beginning, simula sa mga lingeries hanggang sa cosmetics! Ginaya mo ang lahat ng negosyo ko! Sinadya mo akong kalabanin! Yes, I did have an affair to a married man! Pero hindi ko ginusto 'yon, he lied to me! Kaya wala akong kasalanan sa nangyari! Kung iniisip mo na mapapahiya mo ako ngayon gaya ng ginawa mo dati para bumagsak ako! Well, I'm sorry to disappoint you, Dixie. It won't work on me this time! Dahil may isang tao ang nagturo sa akin na huwag pakinggan ang sasabihin ng iba. That's why I don't care anymore! Hindi ko pinagmamalaki ang pagkakamali ko, pero hindi ko rin iyon ikakahiya. Because I am way much better person now!" walang gatol na wika niya.
Hindi nakapagsalita si Dixie. Lalo itong namula sa galit.
"Ang hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng galit mo sa akin? Simula noon hanggang ngayon! May nagawa ba ako sa'yo?!"
Umiwas ng tingin sa kanya ang babae. Napakunot-noo si Bea dahil tila may iba sa mukha ni Dixie. She has that dark aura, at tila puno ng galit ang mga mata nito.
"Babalikan kita! Hindi pa tayo tapos, Bea!" banta nito saka mabilis na tumalikod.
"Grabe, praning na yata 'yong babaeng 'yon," narinig niyang sabi ng ilang tauhan niya.
"Naku Ma'am, huwag n'yo na pong pansinin 'yon!" sabi naman ng iba.
Napangiti siya. "Thank you, pasensiya na kayo sa nangyari. Anyway, let's go back to work," sagot niya.
Nang makabalik siya sa loob ng opisina, napasandal na lang si Bea ng maisarado ang pinto, saka napatingin sa labas ng bintana. Nag-iwan ng kakaibang takot ang aura ni Dixie sa kanya, kasama pa ang banta nito. All she wants is to have a peaceful life, now that she's moving on. Lumapit siya sa bintana saka tumingin sa kulay asul na kalangitan.
YOU ARE READING
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, bea...