CHAPTER ELEVEN

542 22 1
                                    

NATIGILAN si Bea paglabas niya ng pinto, matapos mapatingin sa isa pang pinto sa kanyang harapan. Lumapit siya at nilapat ang kanyang palad doon. She rests her forehead on that door and closed her eyes.

"You made me see you on the vision you gave me, but that makes me miss you even more. Ang sabi mo nasa tabi lang kita palagi, naririnig mo ba ako ngayon? Are you here? Sa tuwing pumapasok ako sa pintong ito, palagi kong hinihiling na sa pagbukas ko ay ikaw ang sasalubong sa akin," sagot niya.

Mayamaya ay naramdaman niyang marahan umihip ang hangin. Napangiti si Bea, kahit hindi siya lumingon, alam niya, bulong ng puso niya, naroon si Justin. Pakiramdam niya ay nasa likod ito at nakayakap sa kanyang leeg.

"I love you," bulong niya.

Nawala ang hangin ng biglang mag-ring ang phone niya. Doon napadilat si Bea, saka sinagot ang tawag.

"Jean."

"Boss, pabalik ka na ba dito sa office?"

"Ah yes, dumaan lang ako sa unit ni Justin," sagot ni Bea.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang kaibigan sa kabilang linya.

"I'm so sure you miss him so much."

"Always."

"Wala pa bang balita kung kailan ang balik niya?"

"Wala pa," sagot niya.

"Di bale, magkakasama rin kayong dalawa."

Napangiti siya saka naglakad sa hallway papunta sa elevator.

"Mahirap maghintay, pero ang importante, alam ko na may hinihintay ako," sagot ni Bea.

"Right. Justin is a good person, kaya alam ko na hindi ka niya sasaktan. Basta, if you're feeling lonely. Nandito lang ako."

Napangiti siya sa sinabi ng matalik na kaibigan.

"Thank you so much, besty. I knew I can count on you," sagot niya.

"Ikaw pa ba? Ay naku, kung makapag drama naman tayo parang hindi ka babalik dito!"

Natawa si Bea.

"O sige na, pababa na ako sa basement parking. I'll be there in a while," sagot niya. Pagdating sa tapat ng elevator, agad niyang pinindot ang down button.

Ilang sandali lang ay bumukas iyon at agad siyang pumasok. Pagsarado ng pinto, napakunot-noo si Bea ng magpatay sindi ang ilaw sa loob ng elevator. Napasandal siya ng huminto ang sinasakyan saka biglang umuga iyon. Umahon ang kaba sa dibdib niya.

"Anong nangyayari?"

Pinindot agad niya ang emergency button. Napasigaw siya ng muling umuga ng malakas na parang may lindol. Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya matapos umalingawngaw ang nakakatakot na tinig ng isang lalaki na tumatawa. Parang nanggagaling ang boses niyon sa ilalim ng lupa.

"Mamamatay ka na ngayon, babae. Hindi na kayo magkakasama ng iniibig mong anghel. Hindi na siya babalik! Nagsinungaling siya sa'yo! Pinapaasa ka lang niya!"

Napapikit si Bea at tinakpan ang kanyang tenga.

"Hindi 'yan totoo!" sigaw niya.

"Isa kang babaeng makasalanan! Naki-apid ka sa isang lalaking may asawa! Hindi kayo nababagay ng anghel na iyon!"

Tuluyan na siyang naiyak sa takot at napaupo na lang sa sulok, habang panay ang uga ng elevator.

"Hindi! Matagal na akong humingi ng tawad sa Diyos! Pinatawad na Niya ako! Tumahimik ka!" umiiyak na sagot niya.

Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First LoveWhere stories live. Discover now