"OKAY KA lang ba?" tanong ni Nami sa kanya.
Marahan tumango si Bea kahit na nanginginig pa ang kamay niya. Naroon sila sa sala, matapos mawalan ng malay ni Justin ay tinawagan ito agad ang naisip niyang hingan ng tulong.
"Alam mo ang tungkol dito, kaya ganoon na lang ang bilin mo sa akin noong nagkausap tayo," tanong din niya, saka lumingon dito.
Bumuntong-hininga si Nami saka marahan din tumango.
"Pasensiya ka na, hindi kasi puwedeng pangunahan ang hindi pa nangyayari. Kung mayroon man magsasabi ng lahat sa'yo, si Justin iyon."
"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" tanong ni Bea.
"Ganyan din ang pinagdaanan ko kay Adrian noon. Mas worst ako noon, dahil pagkatapos ko na malaman ang lahat tungkol sa totoong pagkatao niya. Natakot ako sa kanya, tinalikuran ko siya. Nasaktan ng husto si Adrian. Ayokong gawin mo ang naging pagkakamali ko noon, Bea. Hindi madali ang pinagdaraanan ni Justin ngayon, kailangan ka niya," sagot nito.
Hanggang sa hindi na niya nakayanin ulit ang emosyon at napaiyak na naman siya.
"Natatakot ako, Nami. Paano kung bigla na lang siyang mawala?"
Niyakap siya ng kaibigan.
"Lakasan mo ang loob. Mangyari man 'yon, huwag mong bitiwan ang paniniwala na babalik siya," payo nito.
Napalingon silang dalawa ng lumabas sa kuwarto ni Justin si Adrian.
"Bea, gising na siya. Hinahanap ka niya," sabi nito.
Nagmamadaling pumasok sa kuwarto ang dalaga. Agad siyang tumabi sa nobyo at niyakap ito. Muli ay umagos ang luha niya.
"I'm sorry, did I scare you?" nanghihinang tanong ni Justin.
Marahan siyang umiling. "Hindi naman ako natakot sa'yo, nagulat lang ako sa nakita ko," sagot ni Bea.
"Kung may kinatatakutan man ako, iyon ay baka mawala ka na lang isang araw," dugtong niya.
"Nangako naman ako sa'yo, di ba? Babalik ako," sagot ni Justin.
Napahagulgol ulit ng iyak si Bea.
"Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo? Sabihin mo sa akin," aniya.
Imbes na sumagot ay malungkot lang itong ngumiti, nang kumilos ito para umupo ay inalalayan niya ang nobyo. Sumandal ito sa headboard ng kama.
"Hindi ako ordinaryong tao, gaya ng inaakala mo, Bea. Anghel si Papa, si Mama naman ay kalahating anghel at kalahating tao. That made me one-fourth human and three-fourth angel. Ang mga nasaksihan mo kanina, kasama iyon sa kailangan kong pagdaanan biglang paghahanda sa tinakdang araw para maging ganap na anghel ako," paliwanag nito.
Hindi alam ni Bea kung ano ang dapat niyang maramdaman.
"Tell me, you're joking," aniya.
"I wish I am," sagot ni Justin.
"Iyong sinabi mong pag-alis mo. Tungkol ba 'yon dito?" tanong ni Bea.
Marahan tumango ito.
"Paano kung mas piliin mong maging tao?"
"Kung puwede lang, Bea. Iyon ang gagawin ko, pero wala akong choice ngayon. Kailangan kong i-sakripisyo ang pagiging tao ko para gampanan ang responsibilidad ko bilang anghel," sagot nito.
YOU ARE READING
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, bea...