CHAPTER FOURTEEN

526 21 3
                                    

TINITIGAN ni Bea ang sariling repleksiyon sa salamin. Suot na niya ngayon ang kulay puti niyang wedding dress, she has a pretty flower crown on her head, at nakaladlad lang ang buhok niyang kinulot sa dulo. She's just wearing a simple make-up. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa mga oras na iyon. This moment just used to be her dream, and now, it is about to happen. Ang binigay sa kanya ng Panginoon ay higit pa sa gusto niya, He gave her what she needs. A man who drew her closer to God. His servant. Their angel. At ikakasal siya ngayon sa lalaking ito.

Nawala ang takot na kanina niyang naramdaman matapos makita ang pangitain na iyon, pagkatapos siguraduhin ni Justin na walang mangyayaring masama. Ayon sa binata, nakabantay ang isang lupon ng mga anghel sa paligid. Now, she's more than excited.

"Are you ready?"

Napalingon si Bea sa may pintuan. Ngiti ang sinalubong niya kay Nami, kasunod si Jean.

"Yes," sagot niya.

Niyakap siya ni Jean ng mahigpit.

"I am so happy for you," anang kaibigan.

"Thank you, Jean."

"Uulitin ko, you deserve this kind of happiness."

Marahan siyang tumango.

"Bea, naghihintay na siya sa'yo. Let's go?" sabi ni Nami.

Humugot siya ng malalim na hininga saka muling tiningnan ang sarili sa salamin.

"Let's go," sagot niya.

Pagdating sa wedding hall, naabutan niyang nakasarado ang pinto at tila

naghihintay ang ushers sa kanyang pagdating. Naunang pumasok si Nami at Jean. Mayamaya, narinig niya ang malamyos na tinig na pumailanlang sa paligid. Her whole-body shivers when she heard those singing voices. Parang mga anghel na nagsisi-awit ang mga iyon.

Nang bumukas ang pinto, bumungad sa kanyang paningin ang paligid na may disenyo ng puting tela at puting bulaklak. Then, she looked straight ahead, agad nangilid ang luha ni Bea ng matanaw si Justin sa unahan. Kita niya ang pagluha ng binata habang nakangiting naghihintay sa kanya katabi ang mga magulang nito. Sa bawat paghakbang niya palapit, katumbas niyon ay doble ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Tumingin siya sa ama na naglalakad kasabay niya, pagkatapos ay ngumiti sa isa't isa.

Pagdating sa altar, agad niyang niyakap ang ama.

"Thanks Dad," naiiyak na bulong niya.

"Be happy with him, anak."

"I will," sagot niya, pagkatapos ay si Justin naman ang hinarap nito.

"Alagaan mo ang anak ko. Be with her, do not leave her. Make her happy," bilin ng ama.

"Makakaasa po kayo," sagot ni Justin.

Nang iabot ng ama ang kamay niya sa binata. Mas lalong umapaw ang ligaya sa kanyang puso. They stared at each other and smiled. Humawak siya sa braso nito at sabay silang naglakad sa altar. Ngumiti si Bea sa magkakasal sa kanila, ang pinakilala ni Justin na Lolo nito at tinawag na Supremo. Mula sa pagiging anghel ay nagkatawang tao ito.

"This is it," bulong niya kay Justin.

"Yes, finally." 



"I WAS LOST, but you found me. I turned my back on God, but you helped

me to bring back my faith in Him. Pinatunayan mo sa akin na puwede pa akong maging masaya simula ng dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Justin. At habang buhay kong ipagpapasalamat sa Diyos dahil binigay Niya sa akin. My genius guardian angel, my love, Justin. Let's be together, through thick and thin, through ups and downs, in sickness and in health, forever. I love you so much."

Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First LoveWhere stories live. Discover now