CHAPTER FIFTEEN

1.6K 50 27
                                    

FOUR YEARS later.

Hindi alam ni Bea kung gaano na siya katagal nakatingin sa suot na singsing, pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa larawan nilang mag-asawa. Pinatong niya ang baba sa ibabaw ng mesa, mayamaya, kusang umagos ang kanyang luha. Four years has already passed by, that day is supposedly their wedding anniversary. Dapat ay magkasama silang masaya at nagse-celebrate, pero hindi sila nagbigyan ng pagkakataon para gawin ang lahat ng iyon. Ni hindi sila binigyan ng chance na magkasama matapos ang kasal, dahil ninakaw sa kanila ang mga sandaling iyon. And Justin gave up his life just to save her.

Hanggang ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit naroon pa rin siya sa mundo at nabubuhay. She should have left with him and be happy, pero tila may ibang plano sa kanya ang Panginoon.

Sa loob ng nakalipas na mga taon, walang nagbago sa nararamdaman ni Bea para kay Justin. Mahal na mahal pa rin niya ito, at hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala nito. Sa harap ng ibang tao, nagkukunwari siyang okay at masaya. Binura sa alaala ng mga kaibigan at pamilya niya na nakasaksi sa pangyayari ang araw ng kasal nila. Ang alam ng mga ito ay umalis si Justin at nag-abroad. Habang ang kanyang ama ay natatandaan lang ang araw na pumunta silang dalawa sa bahay nila para kausapin ito. Ang pagkakaalam nito ay hindi natuloy ang kasal nila dahil kinailangan umalis ng binata. Sa tuwing kinukumusta ng Daddy niya si Justin, sumasakit ang puso kapag dinadahilan niyang maayos ang kalagayan ng binata at abala sa trabaho sa Korea. Kung sana'y ganoon na nga lang ang nangyari. Dahil mahirap magkunwari na masaya siya, kahit ang totoo ay parang ikamamatay niya ang lungkot sa pagkawala ni Justin.

"Umiiyak ka na naman."

Bigla niyang pinahid ang luha at pilit na ngumiti kay Nami. Hindi niya nature ang mainggit sa kapwa, pero sa pagkakataon na iyon ay nai-inggit siya sa kaibigan, dahil nakabalik na si Adrian at nangakong hindi na aalis pa. Kita ni Bea sa mga mata nito ang labis na kasiyahan. How she wishes she can feel that kind of emotion again?

Genuine happiness. Malapit na yata niyang makalimutan kung ano ang pakiramdam ng maging masaya. Because the pain of losing him is still fresh in her heart.

"Hindi," tanggi niya.

Lumapit sa kanya si Nami at tumayo sa likuran saka niyapos ang braso sa leeg niya.

"Nanggaling na ako diyan, Bea. Hindi mo kailangan itago sa akin ang totoong nararamdaman mo."

Lalo siyang napaiyak.

"I miss him so much, Nami. Pilit kong iniisip na nandoon lang siya sa langit, na gaya ni Adrian ay babalik din siya. Pero sumasampal sa akin ang totoo, na kahit kailan ay hindi na siya babalik."

Humigpit ang yakap sa kanya ni Nami, pagkatapos ay naupo ito sa bakanteng silya sa tabi niya. Pagtingin ni Bea ay umiiyak na rin ito.

"Naniniwala ako na magiging masaya ka rin. Lahat ng niluha mo, lahat ng sakit na naranasan mo ay may magandang kapalit."

"Hindi ko kailangan ng iba, Nami. Si Justin lang ang gusto ko, kahit mawala ang lahat ng mayroon ako ngayon, kung ang kapalit ay ang pagbalik niya. Hindi ako magrereklamo."

Muli siyang kinabig ng kaibigan palapit at niyakap. "Kung may magagawa lang ako para pagaanin ang loob mo," narinig niyang sabi nito.

Sa halip na sumagot ay binuhos na lang niya ang emosyon. Mayamaya ay bahagya siyang nilayo nito at pinunasan ang luha. Ngumiti sa kanya si Nami.

"Ayusin mo na ang sarili mo, baka ma-late tayo sa concert ng Blue Light at magtampo 'yong tatlo. Alam mo naman na comeback concert nila 'to simula ng makabalik si James," sabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First LoveWhere stories live. Discover now