CHAPTER THREE

665 23 5
                                    

ONE WEEK. Seven days. Ganoon katagal na ang nakakalipas simula ng una't huling beses niyang makilala ang Justin Silva na iyon. Pero sa loob ng ilang araw na iyon, hindi pinapatahimik si Bea ng lalaking iyon. Palagi niya itong naiisip, lalo na ang halik nito. May mga pagkakataon nga na napanaginipan pa niya ang paghalik nito sa kanya.

Paano ba naman kasi siyang matatahimik? Damn, his kisses are to die for. Of all the kisses she tasted, Justin's kiss is way different. His lips are soft, his kisses are sweet and will melt every woman's heart. It made her knees weak. Hanggang sa mga sandaling iyon, naaalala pa ni Bea ang banayad at maingat na galaw ng labi nito. Nang hindi nakatiis ay bigla niyang nahampas ang ibabaw ng mesa. Natigilan siya ng magtinginan sa kanya ang mga ka-business meeting niya.

"Miss Partoza, is everything okay?" tanong ng isang babaeng ka-meeting niya.

"Yes, sorry. I mean, there's a mosquito" pagdadahilan niya, saka agad na ngumiti.

Pagtingin niya kay Jean ay napapailing na lang ito habang pigil ang tawa. Makalipas ang mahigit thirty minutes ay natapos na rin ang meeting na iyon. Matapos magpaalam ng mga kausap ay pabagsak niyang napaupong muli sa swivel chair niya.

"Iyong totoo, lumilipad na naman isip mo, no?" puna sa kanya ni Jean.

Bumuntong-hininga na lang siya, saka napasulyap sa lukot na calling card ni Justin.

"Kung ako sa'yo, tatawagan ko na siya," anang kaibigan.

Pagtingin niya ay nahuli pala siya nitong nakatingin doon. Tumikhim siya saka kunwaring nagbukas ng laptop.

"Hindi ko siya iniisip, okay?" sagot ni Bea.

Napalingon na naman siya kay Jean ng bigla itong tumawa.

"What's funny?"

"Ikaw, masyado kang obvious eh! Wala naman akong sinabi na iniisip mo siya. I just said, call him."

"Ganoon na rin 'yon! At ayoko siyang tawagan, okay?"

"Kaysa naman ganyan palagi kang wala sa sarili mo! Ano bang akala mo hindi kita nahahalata? Isang linggo ka ng hindi makausap ng matino. Aminin mo, hindi mo makalimutan na hinalikan ka niya," puna sa kanya ng kaibigan.

"H-ha? Hindi ah," tanggi niya.

"Huu, evidence number one. Nauutal ka," ani Jean.

"Hindi nga sabi!" giit niya.

"Evidence number two, defensive,"

"Ay, ang kulit!"

"Evidence number three, madaling mapikon,"

"Jean!" saway niya sa kaibigan.

Humagalpak ito ng tawa.

"Fine, ang sa akin lang naman. Call him para naman matahimik ka na, kaysa panay ang sulyap mo sa calling card na 'yan."

Humugot siya ng malalim na hininga. "Hindi ba nakakahiya?"

"Ngayon ka pa nahiya? Nahalikan ka na nga eh," ani Jean.

"Eh kahit na!"

"Ikaw ang bahala, just do what your heart is telling you," payo pa nito, saka lumabas ng pribadong opisina niya.

Napasandal siya sa backrest ng inuupuan, saka kinuha ang calling card.

"Try lang, Bea. Try mo lang," sabi niya sa sarili.

Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First LoveWhere stories live. Discover now