HANGGANG sa mga sandaling iyon, hindi pa rin makapaniwala si Bea sa nangyari. Justin just proposed to her, she's getting married. Tinaas niya ang kamay at tiningnan ang suot na singsing, wala sa loob na napangiti siya. Ang totoo, kaninang umaga pa siya masaya. Kung puwede nga lang na hilahin ang mga oras para dumating na ang araw ng kasal niya. Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jean.
"Good morning, boss!"
Isang matamis na ngiti ang sinalubong niya sa kaibigan.
"Good morning, Jean!" masiglang bati ni Bea.
"Wow, you looked so extra happy today. Mukhang may nangyaring maganda ah, ano? Nag-propose na ba siya sa'yo?" walang prenong tanong nito na may bahid ng biro.
Nakangiting tinaas niya ang kamay at pinakita ang singsing. Nanlaki ang mga mata nito at tumakbo palapit sa kanya, sabay hawak sa kamay niya.
"OMG! Totoong nag-propose na si Justin sa'yo?!"
Naiiyak na tumawa siya saka tumango.
"Kaninang madaling araw pag-uwi niya," sagot ni Bea.
Mayamaya ay naluluha na rin si Jean.
"Oh my God, bessy! OMG! Finally! Congratulations!"
Naiiyak na yumakap siya sa kaibigan.
"Sobrang saya ko, Jean. Hindi ko akalain na darating sa buhay ko ang isang gaya ni Justin."
"You deserve to be happy, Bea. Pagkatapos ng mga naranasan mo, karapatan mong maging masaya ng ganito. And you deserve someone like him. Binigay siya ni Lord sa buhay mo dahil si Justin ang the best for you."
"Thank you for always being there, especially noong mga panahon na pakiramdam ko mag-isa ako. Nandiyan ka lang palagi," sabi ni Bea.
Natawa ito sa kabila ng pagluha ng tumingin sa kanya.
"Ano ka ba? May promise tayo since college, di ba? Kahit mag-asawa na tayong dalawa, best friend pa rin tayo. Walang iwanan."
"Right," sang-ayon niya, saka muling niyakap ang kaibigan.
"Sandali nga, masyado na tayong nagda-drama dito eh. Kailangan ko ng kumontak ng mga designers' para sa wedding gown mo," sabi nito.
"Simple lang ang gusto ko. And very private ang magiging kasal namin, just immediate family and friends," sagot ni Bea.
"Okay. Hayaan mong ako ang maging wedding coordinator ng kasal ng best friend ko. Ako ng bahala sa lahat," sabi nito.
"Thank you so much, Jean."
"Ano ka ba? Ikaw pa, alam mo naman basta para sa iyo. Kumpara naman sa naitulong mo sa buhay ko. Simula ng kinuha mo akong Executive Assistant mo, umayos ang buhay ko at ng pamilya ko."
"Ikaw talaga, sabi ko naman sa'yo huwag mo ng isipin 'yon!" ani Bea.
"Eh basta, ganon naman talaga 'yon eh."
"O sige, ikaw na bahala sa lahat."
"Yes! Thank you, bessy!"
"Ang mabuti pa, let's get things done. What's my agenda for today?" tanong niya.
"Oh yeah, you have two meetings for today. Your meeting will be at nine am with the models and managers for Silhouette Lingerie and Cosmetics endorsement. Kailangan mo ng mag-decide kung sino sa kanila ang kukunin natin. Second meeting will be board meeting at ten am."
YOU ARE READING
Heaven's Warriors Series 2: An Angel's First Love
Fantasy(SOON TO BE PUBLISH ON "PRECIOUS HEARTS ROMANCES") Bea is a successful business-woman at the age of twenty-three. Para sa mga gaya niyang nag-iisang anak ng mag-asawang pioneer sa business world. Life has always become easy for her. Rich girl, bea...