"Tino parang awa mo na hindi naman ito yung gusto nating mangyari diba? Makinig ka tino, totoong minahal kita! Pero tino bilang kuya lang. Patawad tino!""Alam ko naman kaloy. Dati ko pa alam, kaya nga hindi ko matanggap na hanggang kuya mo lang ako. At lalong hindi ko matanggap kung bakit si Daniel pa ang mahal mo." Umiiyak na tugon niya.
"Kuya ibaba mo na ang baril. Kuya patawarin mo kami ni kaloy. Mahal namin ang isa't isa at sana, maging masaya ka na lang para sa aming dalawa."nagmamakaawang sambit ni Daniel."Masakit man ngunit matagal ko na kayong pinatawad."Unti-unti niyang binaba ang nanginginig niyang kamay kung saan naroon ang baril.
"Maraming salamat kuya, maraming salamat"
"Tino maraming salamat at naiintindihan mo, at natanggap mo ang pagmamahalan namin ng kapatid mo. "
"Umalis na kayo, bago pa magbago ang isip ko. "
Sa pagtalikod naming dalawa ni daniel ay dali dali kaming tumakbo. Ngunit wala pa kami sa kalagitnaan ay bigla na lang sumigaw si tino.
"DANIEL! HINDI KA KAILANMAN SASAYA HANGGA'T NABUBUHAY PA AKO. "
At sa pagtatapos ng kanyang pagsasalita ay biglang umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng baril patungo sa direksyon ni daniel kaya agad akong pumunta sa direksyon nya para maging panangga ngunit parang huli na ang lahat.
"DANIEEEEEEEL,LUMABAN KA DANIEL!DANIEL 'WAG KANG PIPIKIT PUPUNTA TAYONG HOSPITAL! DANIEEEL!" Wala kong magawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hindi mahinto ang pagbagsak ng luha sa aking mata. Nararamdaman ko ang malapot na likido mula sa kanyang tagiliran. Walang tigil sa pag-agos. Tuloy-tuloy at parang hindi matatapos. Ngunit hindi iyon naging hadlang para masabi niya ang huling nais niya para sa akin, para sa amin.
"Ka-kaloy hi-hindi ma-n ta-ayo ang iti-nad-ha-na sa nga-yon, ipi-napa-ngako ko na i-kaw at a-ko na-man a-ng sasa-ya sa tama-ng lu-gar at pagka-ka-tao-n. "
Bigla ko lang din naramdaman ang pagkahilo, kasabay ng pagbulwak ng dugo mula sa aking bibig ang pagbagsak ko sa tabi ni daniel.
"Ma-hal na ma-hal kit-a Da-niel, ma-hal na ma-hal."

BINABASA MO ANG
The Untold Story
Teen FictionHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...