2121
"Ma, bakit po kayo napatawag kagabi? Pasensya na po at hindi ako nakatawag pabalik, nakatulugan ko na po kasi kayo."
"Anak, kasi gusto ko lang malaman kung totoo ba talagang uuwi na si Charlie sa Pilipinas at hindi na siya babalik pa."
"Ah, opo ma. Sabi niya nga po sa akin, masyadong matagal na raw siyang nagtatrabaho roon at namimiss niya na raw po ang mga bata. Magtatayo na lang daw po kami ng maliit na tindahan kapag nakalipat na po kami sa San Blas para hindi na siya magtrabaho pa sa malayo."
"Ganun ba anak? Sige pakisabihan ako kung makakalipat na kayo't tutulungan ko kayo. Siya nga pala, kaya ba uuwi ang asawa mo'y dahil magpipitong taon na ang kambal?"
"Opo ma, gusto niya na rin po kasing makasama yung mga bata't matagal ng nawalay sa kanya. Tsaka nga po pala ma, pwede ho ba kayong magluto para sa kaarawan ng mga bata? Naisip ko po kasing mapapagastos lang kung kakakin sa labas, tutal pasko naman po iyon t'yak magsisipuntahan ang mga kamag-anakan natin."
"Sige sige Dheltae, o siya't ibababa ko na't may gagawin pa ko. Baka nakakaistorbo na rin ako sa'yo. "
"Hindi naman po ma, sige po paalam. "
"Paalam"
*Toooot*
Pagkababa ng tawag ay saka lang ako nakapagbuntong hininga. Nagbago na si Charlie, hindi na marunong magsabi sa mga magulang niya simula ng maging mag-asawa kami. Kung pwede lang ay ayaw niya ng ipaalam ang nangyayari sa pamilya namin para hindi na kami magulo tulad ng dati. Ayoko lang naman magtaka ang nanay niya kaya ako na ang gumagawa ng paraan para 'wag ng magkagulo.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa paaralan ng mga bata. Hapon na rin at maglalabasan na sila. Siya nga pala, malapit lang ang paaralan ng mga bata dito sa amin. Walking distance lang siya kung susumahin.
Habang hinihintay ko ang mga anak ko sa isang sulok ng gusali, napansin kong may nakatitig sa akin mula sa malayo. Nagulat ako, napakapamilyar ng mukha niya sa akin. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita pero napakapamilyar. Nilapitan ko ang matandang pulubi na akmang aalis na sa kanyang pwesto at siya'y tinanong.
"Nay, nagkita na ho ba tayo dati?Napakapamilyar niyo po kasi."
"Syempre naman Kyle." Nakakagulat. Alam niya ang dating pangalan ko. Walang nakakaalam nito bukod sa aming dalawa ni Charlie. "Naparito lamang ako para masilayan ang pagpalatuloy ng pag-iibigan ninyo ni Daniel. Sa aking nakikita naman ay masaya na kayo." Naalala ko na, siya ang matandang nanghula sa amin dati. Siya si Nanang, ang nagsabi sa amin na pagkatapos ng napakaraming pagsubok ay saka lamang kami sasaya. Masaya na kami, kaya alam kong natapos na ang pagsubok na tinutukoy niya.
"Nanang masaya na po kami ni Daniel, maraming salamat po sa inyo't tinulungan niyo kami noon."
"Huwag kang makampante Kyle, hindi pa natatapos ang pagsubok na tinutukoy ko. Paparating pa lamang ito Kyle, paparating pa lang."
"Mommy, mommy, tara na po uwi na po tayo. "narinig kong boses ni alphae
"Mommy nagugutom na po ako."usal naman ni bethae.
Matagal na pala akong natulala at nawala sa ulirat pagkatapos umalis ni nanang. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. Masaya na kami ngayon kaya alam kong tapos na ang pagsubok namin ni Charlie. Pero bakit sinabi niyang nagsisimula pa lang ito? Ang gulo, hayst!
"Tara na't pasensya sa inyo't pinaghintay kayo ni mommy. Sige as a exchange kwekwentuhan ko na lang kayo ng story bago kayo matulog."
"Yeheyyyyyyyy, Its Bedtime Story Night." masayang tugon ng kambal habang nagtatatalon.
"Sige magsipaghanda na kayo't uumpisahan ko na ang istorya."
"Mommy naman wala ka namang librong hawak eh!" Maktol ng anak kong babae.
"Anak, ang ikwekwento ko sa inyo ay nasa isip ko okay?"
"Paano yun mommy? Kabisado mo yung kwento? " Tanong naman ng anak kong lalaki.
"Oo naman, si mommy mo pa. *wink*"
Muli ko na namang bubuksan ang aming nakaraan. Hindi ko masabing ang ikwekwento ko sa kanila ay ang unang buhay namin ng kanilang ama. Pero hayaan na nga't simulan na ang istorya, baka maburyo pa ang dalawa.
"Handa na ba kayo mga babies?"
"Yes naman mommy."-Alphae
"Handang handa na po."-Bhetae
"This story was entitled as The Untold Story."
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Roman pour AdolescentsHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...