Chapter 6 CLUB HUNTING
2018
Nako, kumpulan na naman ang mga tao rito sa labas. Oo nga pala, Club Hunting pala ngayon. Shet! Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Pre, san kayo?"teka mga kaklase ko 'to ah. Si Ezekiel siya kung hindi ako nagkakamali. Kahit naman malalim iniisip ko kahapon, hindi pa rin nawala yung tenga kong nakikinig sa mga nagpapakilala sa harap.
"Ah punta ko sa Arts Club. Kayo ba?" eto naman si Joshua.
"Syempre kung saan may girls. Chicks hunting ngayon gagu!" grabe, ganito pala 'to si Patrick.
"Go ako diyan Woo!"isa pa tong si Raphael.
"Ulul, napakababaero niyo talaga eh." ows! Si Daniel.
"Luh! Sino ka? Kilala ka ba namin?"pang-aasar naman ni Patrick sa kanya.
"Lol."tanging tugon na lang niya
"Tara na nga!" aya sa kanila ni Ezekiel at naglakad na papasok ng school. Hindi ata nila ko napansin o hindi lang talaga alam na kaklase nila ko? Pero imposible, sa gwapo kong ito hindi nila ko mapapansin? Hahaha. Well, kailangan magbuhat ng sariling bangko.
"BEEEEEEEST!!!"heto na naman tayo. Malayo pa lang kilala ko na agad boses eh. Paano ba naman palengkerang-palengkera ang boses. Kulang na lang magsuoy ng pangtinderang damit at mukha na siyang tindera sa palengke. Hahaha sama ko.
"Yes best? Aga-aga taas energy ah hahaha."
"Syempre naman. Kailangan natin 'to ngayon. Hahaha."
"Saang club ka ba best?"
"Punta tayong Math Club best!"suggest niya. Oo nga pala, pareho naming hilig ang math kaya mabilis kaming nagkasundo nung JHS namin.
"Sige best, tara na!"
"OH MY GOSH BEST!" sigaw ni ulan na nasa harapan ko. Hinahanap kasi namin yung room for Math Club. Eto na siguro yun. Mukhang hindi pa naman nag-i-start kasi wala pang nakatyo sa harapan.
"Bakit na naman? Kung makasigaw ka kala mo nasa kabilang bundok ako eh"
"BEST SI CHARLES, I MEAN SI DANIEL NANDITO?"
"HALA WEH?" nagulat ako sa sinabi niya. shocks. Bakit nandito yun? Sabe na eh, sinusundan talaga ko nun. Char hahaha.
"Oo best, ayun oh!" turo niya sa lalaking nasa dulo. Grabe linaw talaga ng mata neto basta sa pogi eh.
"Teka bakit siya lang?" tanong ko kasi mag-isa lang siya. Nasaan kaya mga kaibigan niya? Bakit hindi siya sinamahan dito sa Club na 'to? Haist. Pakielam ko ba. Grr.
"What do you mean?" curious na tanong niya. Nasabi ko ata yung nasa isip ko. Letche.
"Ah wala. Tara pasok na tayo baka mag-umpisa na."
"Sure ka best?"
"Oo naman. Don't worry best. Hindi siya si Charles okay? Tsaka wala na siya rito. Tara na!"
"As you wish, LET'S G!
Pumasok na nga kami sa loob ng classroom at umupo sa gitna. Kasunod namin ay pumasok na rin ang isang Instructor.
"So ayun, Good day everyone. Nice meeting all of you. I'm Vincent Polimer, the President of the Mathematics Club. For today, we gather here to select members of my committee also the candidates for the upcoming Pageants." sabi ng Presidente pala ng club na 'to. Kailangan niya ng bagong mga member kasi umalis na yung mga dating seniors or in other words mga Level 12. Sa isang club daw kasi kailangan ng 30 members ng President; 15 for the Level 11 and another 15 for Level 12 at Candidates for the Pageant. Kung anong club ang sinalihan mo ngayon, kailangan mong magstick doon hanggang sa mag level 12 kana. Ayun yung pagkakaintindi ko sa paliwanag ng president. Kaya halos karamihan pala ng mga tao rito ay mga Level 11.
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Teen FictionHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...