Chapter 8
2121
"Ayun ang buhay ni Daniel. The End!" pagtatapos ko ng istorya. Malalim na kasi ang gabi at may pasok pa sila bukas.
"Mommy naman eh, hindi pa po yun tapos."sabi sa akin ng anak kong si Alphae
"Kaya nga po mommy eh, hindi pa nga namin naiintindihan kung bakit ganun yung kuya ni Daniel." naguguluhang sabi naman ni Bethae
"Tapos hindi pa po namin nasasagot yung kailangan naming malaman tungkol kay kaloy." dagdag pa ni Alphae
"Mga babies, gabi na. Matulog na tayo. Sorry na okay? Itutuloy ko na lang kapag may free time tayo." pagpapatindi ko sa kanila. Baka kasi magkasakit pa sila dahil sa pagpupuyat.
"Ano ba yan si Mommy pabitin!"maktol ng anak kong si Bethae. Gusto niya talagang ituloy ang istorya.
"Tara na bunso, maaga pa tayo bukas." sabi naman ni Alphae.
"Matulog na tayo. Papatayin ko na mga ilaw. Goodnight babies!"
"Sige na nga, hmm. Goodnight po mommy!" wala na ring nagawa ang babae ko't hinalikan ako sabay nahiga sa tabi ko.
"Goodnight Mommy!"ang panganay ko naman sabay halik sa aking pisnge at tinabihan na rin ako sa pagtulog.
Masaya kong may napagsabihan na ko ng kwento ng buhay ko noon. Malapit na rin ang pagbalik ni Charlie rito sa Sto. Rosario. Kailangan ko na rin magpahinga at maaga pa kong gigising bukas para sa mga bata.
Narito ako sa parke kung saan kami nagkatagpo ni Charles. Normal naman ang lahat pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nakita ko na naman siya mula sa malayo. Si Manang. Nilapitan ko agad siya.
Hmm.
Hmm.
Hmm.
Bakit hindi ako makapagsalita?
"Kaloy malapit na, kailangan mo nang magmadali. Parating na ang hindi inaasahang trahedya."
Hmm.
Hmm.
Hmm.
Naglakad papalayo si Manang at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nagyelo rito sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos at makapagsalita.
"Mommy!"
"Mommy gising!"
"Mommy!"
"Whoo, whoo, whoo." Hinabol ko ang hininga ko pagmulat ng mata ko.
"Mommy ano pong nangyayari?" ang mga anak ko. Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala sa kalagayan ko.
"Bumalik na kayo sa tulog niyo anak. Nanaginip lang si mama." yinakap ko sila at bumangon sa paghiga. "Gigisingin ko na lang kayo mamaya, maaga pa. Kailangan niyo pang matulog." kinumutan ko na sila at pinatay ang ilaw. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina.
Alas kwatro pa lang pala. Ang weirdo ng panaginip na yun ah. Kinakabahan ako.
Ang kwento ba ang tinutukoy niyang madaliin ko? Haist. Hinanda ko na lang ang sarili ko para sa pagpasok ng mga bata.
Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang mapanaginipan ko ang bagay na iyon. Katatapos lang ng exam ngayon ng mga bata at bilang kapalit sa matataas nilang marka, nangako akong itutuloy ko ang kwentong nahalata nilang pinutol ko.
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Teen FictionHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...