2121"Mommy kailan po uuwi si daddy?"
"Anak malapit na. Hintay na lang tayo ng kaunti ah? "
"Mommy sabihin mo kay daddy gusto ko ng teddy bear yung malaki para may katabi ako matulog. "
"Ako rin po mommy gusto ko naman po ng maraming sasakyan, gusto ko mommy yung iba't ibang kulay."
"Mga anak hinay-hinay sa paghiling, masyado na yatang malaking pera ang kailangan para roon."
"Sige mommy kahit si daddy na lang po ngayong pasko, ayus na po kami dun. Diba kuya?"
"Oo naman bunso, ayus na ayus!"
"Hay, ang mga anak ko hmm, hmm maghanda na kayo at matutulog na tayo."
Nakakatuwang pagmasdan ang mga anak ko. Parang kailan lang nasa bisig ko pa sila. Umiiyak at pinapadede ng gatas. Ngayon may mga sarili ng isip. Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko akalaing magiging masaya ang malungkot na kahapon.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng aming pinagkainan ng magring ang cellphone ko.
*Tenenenen tenenenen tenenenen ten*
*Tenenenen tenenenen tenenenen ten*
*Tenenenen tenenenen tenenenen ten*"Mommy, tumatawag po si mama-lola."Sabi ng aking anak na lalaki na naistorbo yata sa paglalaro.
"Sige anak pasagot muna, malapit na kamo ako matapos. Naghuhugas lamang ako ng pinagkainan."
"Hello po mama-lola!"
"Hello rin apo, ang mommy nasaan?"
"Sandali lamang daw po at naghuhugas ng pinagkainan."
"Ah ganun ba, sige sabihin mo tawagan na lang ako pagtapos niya ah?"
"Sige po mama-lola, ba-bye po i love you*mwah*"
"I love you too apo*mwah*"
Narinig kong ibinaba na ng anak ko ang cellphone kaya pumunta na ako sa kinaroroonan nya. Katatapos ko lang din maghugas ng pinagkainan namin. Bakit kaya napatawag yung nanay ni Charlie? Siguro makikibalita tungkol sa anak niya. Hindi kasi alam ng pamilya ni Charlie na uuwi na siya sa Pilipinas. Ayaw niyang ipaalam kasi ayaw nya ng magulo muli ang pamilya namin. Natatakot na siyang maulit muli ang pait ng kahapon.
"MOMMY!"
Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ng aking anak na si Bethae mula sa kanyang kwarto. Dali-dali ko itong inakyat at tinignan kung aning nangyayari.
"Baby ko, bakit?"
"Mommy, may ipis mommy! Huhuhu patayin mo mommy, lumilipad oh! Mommy, patayin mo dalii!" Pagmamakaawa niya't parang mamatay na siya sa takot.
*PAK*
"Ayan na anak, patay na wag ka na matakot." Sabi ko sa kanya at niyakap siya. Nako ang anak ko, manang mana sa mommy hahaha.
"Sige na mag-ayos ka na't matutulog na tayo.""ALPHHH!"Sigaw ko sa anak ko na nasa baba.
"PO?"
"Umakyat ka na rito't matutulog na!"
"Sandali lang po, tatapusin ko lang tong laro."
"Balakajan, may kasama ka panamang iba dyan. Hooooo!" Pananakot ko sa kanya.
"Ayan na po mommy paakyat na po!"
Rinig ko yung mga yapak nyang mabilis na naglalakad. Takot din pala sa multo, mana sa tatay hahaha.
"Sige na mga anak matulog na tayo't may pasok pa kayo bukas."
"Goodnight mommy!" Tugon nilang dalawa at sabay akong hinalikan sa magkabilang pisnge.
Ang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan ang dalawang batang katabi ko ngayon. Hindi ko akalaing bibiyayaan pa kame ng supling ng lalaking pinakamamahal ko sa kabila ng lahat. Maaga pa ko bukas, kailangan ko na ring matulog. At nagdilim ang paligid ng patayin ko ang lampshade sa aming gilid kasabay ng pagtunton ko sa ikalawang dimensyon ng mundo.
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Ficțiune adolescențiHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...