Chapter 7 SUZARA FAMILY
2018
Isang linggo na rin ang lumipas. Maraming ganap sa loob ng room. Medyo umiingay na yung section namin kasi magkakakilala na kami. Ako naman tahimik lang at laging tulala sa bintana. Char hahaha. Eto syempre umiingay na rin ako kasi nagiging ka close ko na rin yung iba naming kaklase ni ulan.
"Best, hindi ka bababa?"tanong sa akin ni ulan. Breaktime na kasi.
"Ah hindi best, may baon akong biscuit."tugon ko naman.
"SANA ALL!" sabi niya naman.
"Hahaha gaga."
"Sige na bababa lang kami ah, Teng tara na!" aya naman niya sa kaklase kong si teng. Tricia Carinan talaga pangalan niya, pero sa kaka 'te' namin ni ulan sa kanya naisip ni ulan na gawin 'teng' yung tawag sa kanya. Witty ni ulan no? Sana all. Si teng yung taong tahimik, mahinhin, at syempre maganda. Halos lahat naman ng tao dito sa room gwapo't magaganda. Sabi nga ng isa kong kaklase nung first day, Pinagpala ata ko ngayong taon ah. Well, true. Hahaha.
"Pre, hindi ka bababa?" narinig kong tanong ni Ezekiel kay Daniel.
"Nako, nako. Syempre hindi yan bababa." sagot naman ni Patrick
"Halata naman oh. Lugmok na lugmok na yung tropa mo, pabababain mo pa."sabi naman ni Joshua.
"Sige pre baba lang kami."
"Ge." tanging tugon ni Daniel at nanatiling tulala.
Pansin ko nga nitong nagdaang linggo, palaging tulala at may iniisip na malalim si Daniel. Balita ko kay ulan naghiwalay daw sila ng Girlfriend niyang si Cecil. Hindi ko naman alam kung bakit. Ayun ata yung time na nakita ko siyang parang may kaaway na babae nung uwian. Kawawa naman si Daniel. Syempre as an Angel kailangan kong pangatawanan yung role ko hahaha joke.
Nilapitan ko si Daniel at inalok ng biscuit ko.
"Oh!'"lapit ko sa kanya ng bukas na biscuit ko.
Tulala pa rin siya sa malaking bentelador. Hindi ata napansin yung presensya ko.
"Pst!"sabay kaway ko sa mukha niya."Uy!" ayun natauhan na rin sa wakas. Tinignan niya lang ako saglit tapos bumalik na agad sa posisyon niya kanina.
"Oh, alam kong gutom ka rin. Kuha ka, masarap yan."alok ko ka naman. Kumuha rin naman siya. Syempre hindi ako basta-basta naniniwala sa chismis kaya tinanong ko na rin siya. "Palaging tulala ah? Problema?"
"Naghiwalay kasi kami ng girlfriend ko. Ayaw raw kasi ng papa niya sakin." so tama nga sabi ni ulan. Pero bakit?
"Ows? Grabe naman."nasabi ko na lang.
"Oo eh, hindi ko alam kung bakit pero grabe ansakit dito" sabay turo niya sa puso niya "masakit na ayaw sa akin ng pamilya niya. Ano bang mali sa akin? Dahil ba gwapo ako? Akala ng papa niya lolokohin ko anak niya? Hindi ko kayang manloko no!" para siyang batang nagsusumbong sa akin dahil sinaktan siya ng kalaro niya. Kawawa naman 'tong si Daniel.
"Siguro challenge sa inyo yan ni tadhana. Alam mo naman masyadong mapaglaro yun."
Leche, wala kong maisip na i-advice. Hindi pa naman kasi ako naiinlove eh, witek!"Grabeng sakit naman nito." syempre tumabi ako sa kanya at tinapik tapik ko na lang yung likod niya. Kaming dalawa lang din naman ang naiwan dito sa room kaya siguro wala siyang hiya umiyak. "Salamat ah?" bigla siyang tumitig sa akin. At eto na naman yung puso kong kinakabahang ewan. Ang bilis ng tibok leche.
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Fiksi RemajaHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...