Chapter 3

7 0 0
                                    

2121

May isang batang lalaki na tatawagin nating Kaloy. Kyle ang tunay niyang pangalan, nakasanayan na kasi sa kanilang lugar ang pagtawag sa kanya ng kaloy kesa sa tunay niyang ngalan. Matipuno, matikas, matalino, may angking kagwapuhan, at higit sa lahat may puso si kaloy. Maraming babae ang sa unang tingin ay magkakagusto sa kanya dahil sa angkin nitong mga katangian pero hindi nila alam na may lihim si Kaloy na hindi agad makikita sa kanya.

"Ano po yun Mommy?" tanong ng anak kong si Alphae

"Ayun ang kailangan niyong malaman mga anak."tugon ko naman

"Haist, mommy naman eh may pa mystery pa eh." maktol niya.

"Kuya, mas maganda nga yun eh. Exciting, tapos may ididiscover tayo! Diba gusto natin yun?"sabi naman ng anak kong babae.


"Sige na nga!" Pagsang-ayon niya. Kaya pinagpatuloy ko na ang istorya.



Dilat pa ang buwan ay nagising na si Kaloy. Ngayon ang unang araw niya sa eskwela. Unang araw ng panibagong buhay. Magsisimula na kasi ang kanyang Senior High School Life na dapat ay College Life na sana ngayon. Sa katunayan ay malaking tulong din naman para sa kanila ang dalawang taong karagdagang pag-aaral sa sekundarya. Wala na rin naman silang magagawa dahil ito ay naipatupad na. Mag-aaral na lamang sila. Alas -otso pa ang pasok ni Kaloy kaya minabuti na lang muna niyang magbalik tanaw sa kanyang Essential Notebook. Hanggang sa sumapit na ang oras na kanyang pinakaaabangan...













































2018

Kyle's POV

*Yawn*

Inaantok ako letse! Ang aga-aga kasi nagising di man lang natulog uli. Kapag ako nagkapimple, papangit na ko huhu. Chour. So ayun simula na nga ng Senior High School Life ko, ang mala-College Life na rin. Mamimiss ko yung Paso High. Yung mga kaibigan at teachers ko dun, pati na rin yung section Sampaguita na tinuring ko ng pamilya. Lalo na yung mga Crushes ko dun, si Ley ng Level 9, Si JP ng Level 10, at syempre ang Ultimate Crush ko na Si Charles ng Level 7. Kahit na bata pa "raw" siya, wala kong pake! Basta crush na crush ko talaga siya hahaha.


Kasalukuyan akong nakatayo dito sa gilid ng School habang hinihintay ang pagkonti ng mga estudyante. First Day kasi kaya maraming tao sa front gate at hinahanap kung anong room assignment ng bawat isa. Bakit ako nakatayo lang dito? Well, may tagahanap naman ng pangalan ko hahaha. Ang best of the best friend kong si Ulan. Sabi niya kasi magkaklase raw kami kaya siya na lang maghahanap kung anong room namin.


*Yawn*


Ang dada ko noh? Hahaha. Inaantok talaga ko. Sinukbit ko ang earphones ko sa aking mga tenga at naupo sa isang sulok...







































🎶I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you we---🎶


Nagising ako sa lakas ng ringtone ng aking cellphone. My Gosh! Nakatulog pala ko. Tinanggal ko ang earphone at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"BEEEEEST NASAAN KA NA?!" Si ulan pala. Akala mo nasa palengke kung makasigaw eh.

"Letche. Hinaan mo nga yung boses mo. Ang sakit sa tenga. Nandito pa ko sa labas, nakatulog ako eh."

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon