2018
🎶Where is the moment when we needed the most?
You kick up the leaves, and the magic is lost
They tell me your blue sky's faded---🎶"Hmm"
*Yawn*
Inaantok pa ko. Lectheng alarm 'to. Haist.
7am na pala. Tanghali na ko nagising ah. Wala naman kasing gagawin kaya parang tinatamad akong pumasok. Matulog na lang kaya ko? Nako, wag! Sayang naman paghihirap ng nanay ko kung hindi ako mag-aaral. Bait ko noh? Sana kayo rin hahaha.Ginawa ko na ang morning routines ko at bumaba na sa aming kusina. Naks yaman hahaha.
Hindi naman kami mahirap, hindi rin mayaman. Sakto lang.
Yung bahay namin? Eto, dalawang palapag. Sa baba yung sala, kusina, at palikuran. Sa taas naman yung mga kwarto namin ng ate ko.
Ako lang yung nag-iisang lalaki sa aming magkakapatid tapos anim silang babae. Sipag ng tatay ko noh? Hahaha joke! Wala na nga pala kong tatay. Dalawang taon palang ako ay namatay na siya dahil sa lung cancer. Lasinggero raw kasi si papa sabe nila ate. Rest in Peace pa kung nasan ka man.
"Oh anak nandiyan ka na pala, kumain ka muna bago ka pumasok ah?" bilin ng nanay ko na naghahain.
"Opo ma."
"Siya nga pala ma, magpapaalam lang ako. May outing kasi yung mga kaibigan ko sa Ilocos. Sasama sana ko, pwede naman diba?" ang ate kong si Iris. Pangalawa sa panganay namin. Ang ate kong mahilig gumala, kulang na lang libutin niya ang buong mundo hahaha. Travel is Life raw kasi.
"Sige basta mag-iingat kayo ah?" paalala naman ni mama sa kanya.
"Syempre naman ma!"
"Ako naman po ma, baka pumunta kami ni Carlo sa baryo nila sa makalawa. Matagal na rin po simula nang huli naming bisita sa mga magulang niya." paalala naman ng ate kong si Niña. Nako sana naman magdala sila ng pasalubong ng asawa niya pagbalik. Matagal na rin simula nang huli kong matikman yung suman sa baryo nila. Ang sarap nun pramis! Hahaha.
"Oh, ikaw Once? Wala ka bang lakad?"tanong naman ng nanay kay ate Conception. Once yung tawag sa kanya kasi masyado raw makaluma yung Conception hahaha. Ewan ko ba rito sa ate ko, sa kanya ata ko nagmana eh. Ayaw ng makaluma, madumihan yung mukha, magulo ang buhok, at higit sa lahat ay marumihan ang paa. Eh ano kung maarte, ayaw namin nun eh hahaha.
"Ah wala po ma. Magpapahinga na lang po ko kesa lumayas dito sa bahay." sagot niya naman kay mama.
"Ako ma, aalis kami ni ate Maria. Papasama ko maghanap ng panregalo sa katrabaho ko. Birthday kasi niya bukas eh."paalam naman ni ate Fatima. Ang pinakamakulit kong ate. Kung anong tinahimik ni ate Lourdes, siya namang kinaingay niya. Kung pagdidikitin mo nga sila'y magkakaroon ka ng halimbawa sa salitang magkasalungat eh hahaha.
"Sige basta mag-iingat kayo sa mga gala niyo ah. At ikaw kaloy!"oh ba't ako nadamay diyan.
"Po?"
"Pagbutihin mo sa pag-aaral mo."
"Kaya nga, para naman sulit ang pagtatrabaho namin ng mga ate mo."sabi ni ate Lourdes, ang panganay namin. Wala pa siyang asawa. Sa katunayan ay si Niña pa lang ang may asawa sa kanilang anim. At ako naman ang natitirang nag-aaral. Lahat sila ay tapos na at may magagandang trabaho. Kaya hindi ko masabing mahirap kami kasi may mga trabaho naman ang mga ate ko.
"Opo."
"Sige na, magdasal na tayo't kumain."
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Teen FictionHindi naman masama ang magmahal, pero masama bang maituturing kung ito ay mararamdaman sa kaparehong kasarian? What if ang isang inosente sa pag-ibig ay mahalin ng dalawang magkapatid? Handa bang magparaya ang isa sa kanila para sa ikasasaya ng isa...